10 - Ploy

341 3 0
                                    

Samantala...

BENG: Okay ka lang?

MERIJAH: (tatango) Mga walanghiyang 'yon.

BENG: O, easy lang.

MERIJAH: Ikaw naman kasi e.

BENG: O, ba't ako?

MERIJAH: Kung sana hindi ganito'ng hitsura ko, kung sana hindi ito 'yong sinuot ko, e di sana 'di ako mapagkakamalang—

BENG: (mangingiti) Bakit, anong mali sa hitsura mo? Ang ganda-ganda mo nga e...at ang sexy!

MERIJAH: Tse! Kasalanan ng red lipstick na 'to...itong makeup na 'to...at itong dress na 'to. Haist!

Biglang na lang mapapabulanghit ng tawa si Beng.

MERIJAH: Hala, sige, pagtawan mo pa 'ko.

BENG: Alam mo, sis, hindi naman kasi problema 'yang hitsura mo at 'yang suot mo. Ang problema ay 'yong oras at itong kinatatayuan natin.

Tsaka lang mapapansin ni Merijah na may iba na ring mga babaeng naroon na kontodo makeup at mas maikli pa ang mga suot. 'ong iba, nakaupo sa mga nakahilerang upuan sa harap ng mga tila sarado ng mga pwesto.

MERIJAH: Haist! Pambihira!

Pagkarating sa apartment na tinutuluyan...

BENG: Hoy, baka mahipan ka ng hangin diyan.

Nasa may balcony si Merijah, nakatitig sa kawalan at tila malalim ang iniisip.

BENG: Okay ka lang?

MERIJAH: Iniisip ko lang 'yong lalaki kanina.

BENG: Alin sa dalawa?

MERIJAH: 'Yong umakap sa akin.

BENG: Uuuy...ano 'yan?

MERIJAH: Baliw! Kung alam mo lang na gusto ko na talaga siyang tadyakan 'dun' kanina. Bwisit 'yon!

BENG: E ba't mo siya naiisip?

MERIJAH: Actually, hindi naman talaga siya 'yong iniisip ko kundi 'yong sinabi niya.

BENG: Ano ba'ng sinabi? Binulungan ka ba niya ng "I like you"?

MERIJAH: Ate!

BENG: Joke lang. Pero wait, napansin mo din ba?

MERIJAH: Ang alin?

BENG: Ang gwapo niya teh!

MERIJAH: Eh?

BENG: Hindi mo siguro napansin 'yon kasi nga nabigla ka sa ginawa niya.

MERIJAH: Pambihira, inakap na nga ako ng kung sino, 'yon pa talaga ang napansin mo. Isumbong kaya kita kay Alfred.

BENG: Ito naman. Teka, balik tayo sa sinabi. Ano ba kasi'ng sinabi niya?

MERIJAH: Hindi mo ba narinig? Tinawag niya 'kong Abby.

BENG: Ay, oo nga, 'no?

MERIJAH: Naisip ko lang, kung napagkamalan niya ko bilang 'yong sinasabi niyang si Abby, ibig sabihin, magkamukha kami ng babaeng 'yon.

BENG: E ano naman kung magkamukha kayo? Tsaka magkamukha talaga? Baka naman hawig lang.

MERIJAH: Ate, hindi mo ba nage-gets? Andito tayo ngayon sa lugar kung saan pwede kong matagpuan ang tatay at kapatid ko.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon