19 - Surmise

241 3 1
                                    

MERIJAH: (rolls her eyes) Whatever! (sabay talikod)

CEBRIAN: At 'wag kang bastos 'pag kinakausap kita lalo na 'pag andiyan sila.

MERIJAH: (murmurs) Says the one who doesn't even know what it means. Tss! (walang sabing aalis)

CEBRIAN: (agad na susundan ang asawa) Saan ka pupunta?

MERIJAH: May kukunin lang po ako sa taas.

CEBRIAN: Siguraduhin mo lang na gagawin mo ang pinapagawa ko sa'yo.

MERIJAH: (with sarcasm) Don't worry, I'll do it...with flying colors pa. (sabay talikod ulit)

CEBRIAN: Huh! Talaga lang ha. Ngayon, tignan natin kung hanggang kailan ka tatagal at hanggang kailan mo kakayanin lahat. Gusto kong makita ng ama mo na nahihirapan, nasasaktan at nagdurusa ka. At mas maganda siguro kung makikita ka niyang nagmamakaawa sa akin.

Samantala...

MARIZ: Kuya, please wag ka ng umiyak. Malulungkot si Aijah niyan.

Pero patuloy pa rin sa pagluha ang nakatatandang kapatid dahil sa nararamdamang awa para sa anak.

MARIZ: Kuya, ginagawa lahat ni Aijah para 'wag bigyan ng rason si Ceb na matuwa siya dahil sa mga ginagawa niya. Tinatatagan ng anak mo ang sarili niya para sa'yo. Kaya sana, ipakita mo din sa kanya na singtatag ka niya. (kukunin ang kamay ni Maureo) Mabuting tao si Aijah, at alam ko na may naghihintay sa kanyang magandang kapalit. Magtiwala lang tayo.

Sa baba, papasok ulit si Merijah sa kusina, dala-dala ang phone at headset.

MERIJAH: Huh! Akala mong unggoy ka uurungan kita. You wish!

She puts on the headset and starts playing music. Then, isusuot nito ang apron at gloves tsaka mag-uumpisang maglipit. Nasa kalagitnaan na ito ng ginagawa nang makatanggap ito ng tawag.

MERIJAH: O, Nate, napatawag ka?

Ang hindi niya alam ay ang presensya ni Cebrian na nasa may malapit sa pintuan na matamang nakamasid at nakikinig sa kanya.

CEBRIAN: So, hanggang ngayon, may communication pa rin sila. At malamang madalas silang magtawagan...even magkita.

NATE: Wala, nangangamusta lang. Okay ka lang ba?

MERIJAH: Oo naman.

NATE: Best wishes.

Ramdam ni Merijah ang lungkot sa tono nito. Sa kabila ng mga nangyari, nanatili pa rin ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

MERIJAH: Nate...

NATE: I'm okay.

MERIJAH: Sana nga. Ayokong nalulungkot ka dahil sa akin.

CEBRIAN: Tss!

NATE: I just wish you all the best...really. Kung pwede ko lang baguhin lahat ng nangyari para 'di ka napunta sa hayop mong asawa.

MERIJAH: Nate...

NATE: I'm sorry. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin matanggap na...

MERIJAH: Dr. Nathanel Centino...

CEBRIAN: Kung mag-usap sila...parang sila.

NATE: Okay, okay. Sorry ulit. Hindi kasi ganun kadaling tanggalin ka sa sistema ko. Alam mo 'yan.

MERIJAH: Tss!

NATE: Basta, 'pag sinaktan ka ng gago mong asawa, andito lang ako palagi. Pwede kang sumama sa akin at magpakalayo-layo na lang tayong dalawa.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon