12 - Plan B

293 4 0
                                    

BENG: Ex?

MERIJAH: Girlfriend niyang namatay sa aksidente.

BENG: Ay, ano ba 'yan? Kinilabutan naman ako.

MERIJAH: Isa pang dahilan 'yan kaya medyo questionable 'yong intention niya kasi feeling ko, gusto lang niya ako dahil kamukha or hawig ako sa Abby na 'yon. Ano ako, panakip-butas?

BENG: Oo nga naman. May point ka diyan, sis.

MERIJAH: Hay, anyways, 'wag na lang natin siyang pag-usapan pa or kahit na 'yong Ceb na 'yon. Siguro naman hindi na 'yon magpapakita pa ulit.

BENG: Tingnan natin.

A few days after...

MERIJAH: Ceb... A-ano'ng ginagawa mo dito?

Lilingon-lingon ito sa paligid kung saan naglalakad ang ilan niyang co-teachers at mga estudyanteng pauwi na rin.

CEBRIAN: Naalala ko kasi 'yong sinabi mo about finding your father.

MERIJAH: Bakit, ano'ng tungkol doon?

CEBRIAN: Pwede kitang matulungan.

MERIJAH: (biglang magliliwanag ang mukha nito) Really?

CEBRIAN: I just need to have the details about your dad and your sister, whatever you have—picture or anything na pwede nating magamit.

MERIJAH: Yeah, meron ako. Kailan mo kaila—wait...

CEBRIAN: Bakit?

MERIJAH: Ba't mo 'to ginagawa?

CEBRIAN: Nothing. I just wanna help you. We're friends. Remember?

MERIJAH: Ceb...

CEBRIAN: Ano ba'ng iniisip mo? Bakit 'pag tumulong ba, kailangan palaging may rason or hinihintay na kapalit?

MERIJAH: No, no...that's not what I meant. I'm sorry—

CEBRIAN: No, don't be sorry. Naiintindihan kita. Kakakilala pa lang natin sa isa't isa and nagiging cautious ka lang. Mahirap nga namang magtiwala sa taong 'di mo pa masyadong kilala.

MERIJAH: Pasensya na talaga.

CEBRIAN: Wala 'yon. So, ano? Okay lang ba na tulungan kita?

Sa apartment...

BENG: Pumayag ka?

MERIJAH: (marahang tatango) Wala naman sigurong masama, 'di ba? Gusto lang niyang makatulong.

BENG: Pero 'di ba sabi mo, iba 'yong kutob mo sa Ceb na 'yon?

MERIJAH: Oo nga. Pero, Ate, paano kung siya talaga 'yong pwedeng makatulong sa akin para mahanap ko ang pamilya ko?

BENG: Hindi kaya may iba siyang motibo?

MERIJAH: Ano naman?

BENG: Baka gusto niyang mahulog ka sa kanya at sa kanya mabaling atensyon mo.

MERIJAH: Grabe naman.

BENG: Kasi isipin mo na lang ha. Nabasted na nga't lahat-lahat pero andiyan pa rin siya handa pa rin kunong tumulong sa'yo. Ano, martir lang?

MERIJAH: Malay mo, baka gusto lang talagang makatulong. Baka nakaka-relate lang kasi siya sa akin. Remember, nawalan siya ng mahal sa buhay. So, I guess, alam niya 'yong pakiramdam na naglo-long ka sa isang tao.

BENG: Ay ewan. Basta. Siya nga pala, ano nga ulit buong pangalan niya?

MERIJAH: Cebrian Esquivel.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon