39 - Unwell

114 2 0
                                    

Monday...

GEE:        Girl, anyare na naman sa'yo? Parang pasan mo na naman ang daigdig.

MERIJAH:        Wala. 'Wag mo na lang akong pansinin.

GEE:        Hay, naku. Hulaan ko. May kinalaman 'yan sa asawa mo 'no?

MERIJAH:        Tss!

GEE:        As always. You know what? Mahirap 'yong ganyan. 'Yong kinikimkim mo 'yong isang bagay kasi wala kang mapagsabihan. Well, ako naman, anytime, pwedeng makinig. And you can be sure—guaranteed—sarado bibig ko pati na pagkababae ko.

MERIJAH:        Baliw!

GEE:        E ang seryoso mo kasi e. Tsaka 'di ba sabi ko sa'yo, andito lang ako, handang makinig sa anuman 'yang gusto mong sabihin.

By then, magsisimulang magkuwento si Aijah.

GEE:        OMG! Hindi nga biyenan ang nakaharap mo, 'yong monster lola naman at may abubot pang punyeta!

MERIJAH:        Hoy, baka may makarinig sa 'yong bata. (sabay lingon sa paligid)

GEE:        E sa totoo naman a. Ano'ng tawag mo sa Hope na 'yon? Anghel? Isa siyang hopiang de puta, punyeta siya! Hindi naka-score sa asawa mo kaya laptop mo pinagbalingan niya ng inis at galit niya? Ano siya, bata? Damn her!

MERIJAH:        O puso mo.

GEE:        Hay, diyos ko! Kumukulo ang dugo ko sa mga taong ganyan. Ang beauty ko, nasisira!

MERIJAH:        (bahagyang matatawa) Alam mo? Kung 'di ko kayo kilala pareho, iisipin ko na magkapatid kayo sa labas ng Ate Beng ko. Parehong-pareho kayo ng ugali. Siguro kung andito siya ngayon, kasama natin, aba, for sure, pareho na kayong kumakanta na puro mura ang lyrics, may blending pa.

GEE:        Tarantada siya.

MERIJAH:        Mm...cool ka lang. Wala naman na siya e. Tsugi na siya sa bahay ni kuya.

GEE:        Aba, dapat lang no. Kapal naman ng fezlak niya if mag-stay pa siya dun. Duh!

MERIJAH:        Haay... Actually, wala naman akong problema sa Hope na 'yon e. Wala akong pake kung patulan siya ng unggoy na Cebrian na 'yon. Magsama silang dalawa.

GEE:        Weh?

MERIJAH:        Oo. Bakit, sa tingin mo, magseselos ako? Over my dead body. Baka ako pa'ng makiusap na kunin na niya 'yong Cebrian na 'yon at bumalik na sila kung saan man sila galing at 'wag na silang babalik pa. Tahimik buhay naming lahat.

GEE:        Grabe naman. Ganyan na talaga katindi galit mo sa asawa mo?

MERIJAH:        Ano sa tingin mo? Kung 'di ko lang talaga inaalala sila daddy, matagal ko na sana siyang tinakasan.

GEE:        Hay, nakakaloka nga talaga story ng buhay mo friend. Pwedeng pang-MMK.

MERIJAH:        Sinabi mo pa. (mapapabuntong-hininga ulit) Ang inaalala ko ngayon ay si Donya Aurella.

GEE:        Nakakatakot ba talaga siya?

MERIJAH:        Mm...hindi naman. Actually, ang amo nga ng mukha niya e. And in fairness ha, ang ganda-ganda niya despite her age. Para ngang mas mukhang mag-ina sila ng Cebrian na 'yon e kesa mag-lola.

GEE:        Uuuuy, para mo na ring inaming gwapo ang asawa mo.

MERIJAH:        Wala akong sinabing ganyan no.

GEE:        Tse! Ganun din 'yon no. Anyways, ano'ng inaalala mo sa lola ng asawa mo?

MERIJAH:        Baka sugurin niya kasi si daddy. Alam mo naman 'yong lagay ng tatay ko 'di ba? Baka hindi niya kayanin if ever na magkaharap sila.

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon