18 - Resentment

240 6 1
                                    

MARIZ: Hindi ka ba niya hahanapin?

MERIJAH: Hahanapin o hindi, wala na po akong pakialam. Manigas siya dun.

Samantala...

CEBRIAN: Asan na 'yon?

Mangingiti ito nang maalala ang mukha ng asawa kanina habang inaasar niya ito sa kama.

CEBRIAN: She really is still inexperienced.

Then, he'll remember the times he and Abby would make out, which most of the time she would initiate.

CEBRIAN: Medyo magkaiba sila ni Abby. Abby's quite assertive and bold. Aijah's a bit inhibited.

Nung sumama si Abby sa kanya para makipagtanan, muntik ng may mangyari sa kanila kung hindi lang siya nakapagpigil. Those were the times na iniisip niya na napakasagrado ng sex; na dapat mangyayari lang 'yon 'pag kasal na sila ni Abby. But things changed nung mawala ang dalaga. Kung sinu-sinong babae na ang dumaan sa kanya simula noon.

CEBRIAN: I miss you so much, Abby.

Mahihiga ito sa kaliwang bahagi ng kama.

CEBRIAN: (looks at the space on his right) Ikaw dapat ang katabi ko ngayon, ang makakaniig ko gabi-gabi. Ngayon, iba na. At siya ang tutupad at gagawa ng mga bagay na dapat ay para sa'yo.

After a few minutes...

CEBRIAN: Bakit wala pa siya?

Babangon ito at lalabas. Una niyang pupuntahan ang kwarto ni Maureo, pero walang ibang naroon kundi ang kanyang biyenan na mahimbing ng natutulog.

Sa kwarto ni Mariz...

Ilang mararahang katok ang maririnig nito.

MARIZ: Hay, sabi na nga ba e. Paano ba 'to? Tulog na 'tong isa.

Tutunguhin niya ang pinto at bubuksan ito.

CEBRIAN: Andito po ba siya?

MARIZ: (marahang tatango) Tulog na.

CEBRIAN: (mapapakunot) What?

MARIZ: Pwedeng dito na lang muna siya, kahit ngayong gabi lang?

CEBRIAN: Pero, Tita...

MARIZ: Mukhang pagod na pagod siya. At alam ko, 'di siya gaanong nakatulog kagabi...kahit nitong mga nakaraang araw.

CEBRIAN: (mapapabuntong-hininga) Sige po. Magpahinga na rin po kayo.

MARIZ: Salamat. Umaasa pa rin akong babalik ka sa dating ikaw......Ian.

Samantala, pagdating sa kwarto...

CEBRIAN: Pagbibigyan kita ngayon, Merijah. Pero simula bukas, 'di na uubra 'yan. Gagampanan mo ang responsibilidad mo bilang asawa ko.

The next day...

Makakarinig ng mararahang mga katok si Merijah. Kasalukuyan itong nasa kwarto ni Mariz, nagbibihis.

MERIJAH: Sino 'yan? (kasalukuyan itong nag-aayos)

CEBRIAN: Ako 'to. Open the door.

MERIJAH: Anong kailangan mo?

CEBRIAN: I said open the door.

Inis na pagbubuksan naman ito ni Merijah.

MERIJAH: Kung may sasabihin ka, sabihin mo na.

CEBRIAN: Bakit dito ka nag-aayos hindi sa kwarto natin?

MERIJAH: Bakit, masama ba? Tsaka dapat alam mo na ang sagot diyan bago mo pa itanong. (kukunin nito ang mga gamit)

LOVE BETWEEN TWO SKIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon