Jonahmae Pacala is her real name. She earned her degree in teaching in 2011. She is currently residing in Cagayan de Oro City. She started writing short sories at the age of ten...blah blah blah
Introduction na ba 'yun? :P I got them from my Mapapansin Kaya book. :D
As stated sa title, ang mga mababasa niyo dito ay puro tungkol sa pinakamagandang author na si ate Jonah o mas kilala sa wattpad bilang si jonaxx, lalong lalo na sa kaniyang stories.
Oo! Inaamin ko! Isa ako sa mga SILENT READERS ni Queen J. Ewan ko, hindi talaga ako yung reader na pala-commment pero mahilig akong mag-vote. Kaya ko nga naisipan 'to para mailabas ko lahat ng saloobin ko. HAHAHA.
As an author, importante talaga na may connection kayo ng readers at supporters mo. Si ate Jonah kasi yung tipo ng author na pala-kaibigan. Yung talagang parang walang barrier between her and her readers. Paano ko nalaman? Stalker kasi niya ako sa wattpad,facebook, at twitter. Based on my observation, makikita mong talagang nakikipag-usap siya sa mga supporters niya at naa-appreciate niya ang efforts nila. Sa group namin sa facebook na Jonaxxstories Lovers parang barkada lang turingan naming lahat doon. Sa kabila ng pagiging sikat(is it the right word?) niya ngayon, hindi mo talaga mararamdaman ang pagkakaiba ng sikat na author sa isang ordinary reader. Kaya nga sobrang daming nagmamahal at rumerespeto sa kaniya. Sabi rin ng mga naka-meet na sa kaniya(na kinaiinggitan ko) e talagang friendly at mabait siya...at MAGANDA! Kaya I'm looking forward na someday, makapunta ako sa meetups o di kaya ay sa BOOKSIGNING events niya dahil alam kong sisikat talaga siyang author dahil sa mga amazing stories niya. :)))))
Her works!
Sino ba namang hindi mahahalina(whatta word :p) para basahin ang mga stories niya e COVER pa lang, sobrang ganda na! Sa mga tulad kong 'Di ko trip 'yung cover, ayoko nang basahin', talagang super importante nito. Kahit sabi nila na don't judge the book by its cover, hindi pa rin ito maiiwasan. Ako kasi yung tipo na kapag napapangitan or nakokornihan ako sa cover e ayoko nang basahin yung story(kahit di rin ako marunong gumawa XD). Kaya bilib na bilib ako sa mga gumagawa ng cover ni ate Jonah kasi nagugustuhan talaga ng mga mata ko. Maganda yung idea na hindi ang mukha ng characters kasi minsan, sila rin yung panira sa imagination kasi hindi sila bagay sa description ng mga leads. Arte ko ba? XD
TITLE. Paano kaya naiisip ni ate Jonah yung mga title ng stories niya? Nakakaintriga kasi lahat kaya mamamalayan mo na lang na binabasa mo na yung story . Training to Love. 'Yan yung unang story niya na nabasa ko. Hindi kasi ako makatulog noon, kaya naghanap ako ng pwedeng basahin at nakuha ang atensyon ko ng title ng istoryang ito isama pa ang description. Guess what, tinapos ko talaga 'yun hanggang 4am kahit may pasok pa ako kinaumagahan kaya ayun, bangag akong pumasok tapos mugto pa ang mata(ako lang ba ang umiyak dito?). Hahaha. Tapos ayun, I followed jonaxx and started reading her stories until now.
Punta tayo sa stories niya mismo!
I'm planning to make a review on her stories on the next chapters kaya parang yung overall na pagsusulat na niya ito. :)
Kakaiba talaga yung mga plot ng stories niya. Yung tipong hindi yung common plots lang ng stories na madalas mong nababasa. Sa bawat chapter, unexpected talaga yung mga pangyayari. Pramis, mapapaiyak, mapapakilig, mapapasabog sa inis at galit, mapapatawa, mapapasaya, mapapamura, mapapatili, mapapa-split, mapapa-tumbling, at mababaliw ka talaga dahil sa stories niya. AMAZIIIIIING! Tapos yung mga characters, grabe, talagang tatatak sa iyong puso, isip, at kaluluwa. Yung biceps,triceps,abs,V-line,perfect jawline,mapupulang labi, matangos na ilong, at mapupungay na mata ng mga male leads? Gosh! Hindi mo talaga masisisi ang mga female leads kung bakit NAGHUHURAMENTADO sila. Pero hindi rin naman sila pahuhuli sa looks. Kaya nga patay na patay ang mga male leads sa kanila e. Hindi lang din dahil sa description ng physical apperance nila ka mahuhulog kundi sa personality ng bawat character niya mismo. Sa mga boys, may mga playboy, matured, madaya, gentleman, gentleman pero medyo bastos, green, at higit sa lahat, all of them are CONTROL FREAK, POSSESSIVE, at SELOSO. Beyond perfect! They are every girl's dream. Sila yung sobra kung magmahal, hindi talaga sumusuko, sinisiguradong makukuha nila ang mahal nila sa kahit anong paraan at handa at kayang ipaglaban sila. Mas lalo silang nakaka-inlove kapag umiiyak sila. Alam nyo 'yon? Kasi kahit gaano pa sila kapilyo at katatag sa panlabas, mararamdaman mong nasasaktan din sila. Banatero din sila. Yung mga simpleng lines lang nila, halos sasabog na ang puso sa kilig o di kaya at sa sakit(galing ni author gumawa ng linya!). Ewan ko pero gustung gusto ko rin kapag nagseselos sila. Nagdiriwang talaga ako kapag sobrang possessive nila. Yung pati kaibigan,pinsan, o maging tatay nila e hands off dapat. Never pa talaga akong pumanig sa mga third wheels sa mga stories ni ate J. Yung point na mas gugustuhin mong mapunta na lang ang female leads sa iba. Kasi iba talaga ang 'magic' ng mga male leads at hindi ko alam kung paano sila ginagawa ni Queen J. Sa girls naman, may mahinhin, matatag, mabait, palaban, liberated, inosente, manhid, etc. Sila din yung may kayang patiklopin ang mga male leads, 'under' kumbaga. Pero take note, selosa at possessive din sila. Hindi rin porke't babae ako e sa mga male characters lang ako humahanga. Kasi sa mga female characters, marami rin kasi akong natutunan. Masasabing matalino sila dahil sa mga decisions na ginagawa nila. Kung ang mga lalake e padalos dalos, sila hindi. Mas nauunawaan ko sila kasi the whole story, POV nila, which is better para sa akin. Super galing gumawa ni author ng characters. Mula sa mga pangalan hanggang sa characteristics nila.
Worth it ang time na gugugulin mo sa pagbabasa ng mga gawa niya. Kung may-ari talaga ako ng isang publishing company, kukunin ko lahat ng stories niya para mai-publish. Pero kahit wala ako nun, sigurado naman akong mangyayari ito. Available na nga yung isa sa different bookstores nationwide. MAPAPANSIN KAYA. (Grab your copy now!)
Ano pa bang pwedeng purihin kay ate J at sa mga gawa niya? Siguro hindi ko pa nalagay ang lahat pero isa lang ang masasabi ko, QUEEN J is the BEST! She deserves the fame she is having now. Why jonaxx? Guess, you already know the answer ;)

BINABASA MO ANG
Why Queen Jonah(jonaxx)?
RastgeleA Royal Reader's Review on the Royal Queen and Her Works