Dedicated to mhercyjhane05
Paul's Pov
Kanina pa ako naghihintay sa gymnasium na makita si klein pero maski anino niya ay wala kaya nagdesisyon akong pumunta sa bahay nila at nag baka sakaling dun parin siya nakatira. Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot ito. Huminto ako sa tapat ng bahay nila at naghintay sandali. Pero biglang may dumating na sasakyan at bumusina ng paulit ulit. Umalis agad ako dahil baka hindi na dito nakatira si klein at ang bumusina ay ang bagong nag mamay ari.
-------------------------------
Klein's Pov
Nang matapos akong ayusan ni aya ay sumakay na kame sakanyang kotse. Nagulat ako ng biglang iharurot ni aya ang kanyang kotse na naging sanhi ng pagkawala ng aking balanse.
"Aya dahan dahan naman oh. Walang pakpak ang kotse mo. Hindi lilipad to". Nagiinarteng sabi ko.
"Excited na kase ako kleng. Kaya kumalma ka diyan". Nakangiting sagot niya. Kung hindi lang naka ayos ang buhok nito kanina ko pa to binatukan.Ilang sandali lang ay huminto na kame sa parking lot ng school at pinark ni aya ang kotse niya. Pababa na ko ng kotse ng biglang hawakan ni aya ang aking kamay"Kleng be ready" mahinahon na sabi nito. Di ko alam kung anong tinutukoy niya pero kinakabahan ako.
Naglakad na kame at pumasok sa school pinakita namen ang aming invitation card sa guard at pinapasok naman kame nito. Naglalakad kame ni aya ng may tumawag sakanya.
"Kleng mauna kana. May kakausapin lang ako" aya.
"Sige besshy" mapaklang sagot ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa gymnasium ng matapilok ako. Pero hindi ako natumba dahil may isang nilalang na nakasalo saken. (First time may sumalo) kaso lalaki na naman. "Sa-sa-salamat po" sabi ko.
"Walang anuman"sabi nito. Pero teka? Kilala ko ang boses na to ah. Bahagya kong itinaas ang ulo ko at tama ang hinala ko si Paul, si Paul na minahal ko at nangloko saken. "Pa-Paul?" Nauutal na sabi ko.
"Ikaw pala yan kleng. Magiingat ka sa susunod" gulat na sabi niya. Magiingat na talaga ko. Lalo na sayo. Grrrrr.
" ah. Ano ahmmmm... sige mauna na ko ah." sabi ko na na uutal utal pa. "Salamat" sabi ko ng nakayuko. Hindi pa nga ako handa. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya ang nagsimulang maglakad. Nakakadalawang hakbang palang ako ng matapilok ulit ako.
"Tulungan na kita babe, sorry klein pala" suwestyon nito. Babe amp. Bugbugin kita eh.
"Hindi na. Kaya ko na magisa. Di naman masakit to kung ikukumpara sa.. wala sige na mauna na ako." Sagot ko na may konting inis sa sarili ko. Bat ba kase natapilok pa ko eh.
"Masakit kumpara saan? Atsaka pwede naman sabay na tayo eh. Para namang wala tayong pinagsamahan?" Sabi nito na may halong pang aasar. Ang sarap ibaon sa lupa ng nilalang na to. Pinagsamahan? baka pinagiwanan at pinaglaruan.
"Mukha mo. Ayoko! A.Y.O.K.O" sagot ko na asar na asar.
"Btw klein you look so pretty tonight but you also look bitter." Nakangiting sabi nito. Nangaasar talaga ang bwiset na to ah.
"Bitter? Ako? Manahimik ka " sagot ko habang nakataas ang isang kilay. Ibitin kita patiwarik eh."Kung hindi ka bitter then let me help you. Sayang naman ang ayos mo. You look like a princess ofcourse you need a prince. And its me" nakangising sabi nito. Puny*t* gusto ata masapak nito ah.
"K.Fine!" Sagot ko para manahimik na siya. Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin na para bang bago kameng kasal. "Bwiset ka paul ibaba mo ko" sigaw ko. At pinagtitinginan na kame ng mga tao. Pero muka atang wala naririnig ang mokong.
Pagkarating namen sa gymnasium center of attraction ang peg namen kaya naman bumaba na ako agad at tinanggal ang sandals ko at nagsimulang tumakbo papunta sa table kung saan nakita kong nakaupo si aya at umupo ako sa tabi niya."Anong nagyare?" Tanong nito. Pero nawala ang focus ko sakanya ng may marinig akong nagkakantahan at napansin kong nakatingin sila saken.
"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig" kanta ng mga tao sa loob ng gymnasium.
Christian Paul Montesines is my ex boyfriend at legal kame sa both side namen.NOON. pero niloko niya ko kaya wala na kame ngayon. At buong batch namen ay kilalang kilala kame at botong boto sa relationship namen kaya nung nagkahiwalay kame ay nagtataka silang lahat. Back to reality.
Nako nakakabwiset lang sila.
"Eh kung sapak sapakin ko kayo? Excuse me wala ng dapat ibalik at pwede bang manahimik na lang kayo. Remember wala naman kayong alam. At pwede ba DON'T BE SO INSENSITIVE. Hindi niyo alam ang nararamdaman ni klein. Kaya Shut Up!" Galit na sigaw ni Aisha sa mga tao.
"Kalma Aya" paul.
"You! *sabay turo sa mukha ni Paul* get out of here" galit na sabi ni aya.
"Tama na" awat ko. Nagkalasan na ang lahat ngunit nanatili parin si Paul sa harap namin ni aya.
"I'll borrow your friend aya" sabi nito.
"No! And don't call me aya we're not close" angal nito. Thank God may ganito akong kaibigan. Pero di ata papatinag ang lalaking to.
"Whatever. If you like it or not" nakangising sabi nito. Nagulat ako ng hilain ako nito. "Let me go" sigaw ko na para bang gagahasahin niya ko. Pero masyado syang malakas at nadala niya ko sa locker room at sinandal ako sa pader.Thanks for reading. and sorry for the typo hope you understand.
Don't forget to vote and comment. we need your feed backs. and kindly like our page at Facebook: Parolyn-PRL and I'll Be Back With Someone
Super thank youuuuuuu guys. We love you :*
YOU ARE READING
I'll Be Back With Someone
JugendliteraturExpect The Unexpected !!! Does LONG DISTANCE RELATIONSHIP work? "Kung mahal ka, babalikan ka!" yan ang sabi ng iba. pero lahat ba ng bumabalik mahal ka talaga? Maibabalik pa ba ang dating wala na? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sa...