Chapter 11

12 0 0
                                    

  lumabas muna kaming dalawa ni aya sa kwarto para makapagpahinga si mama. Nagkwentohan lang kami ni aya tungkol sa grades namin, nakapasa din siya kagaya ko pero mas mataas pa rin ang grades ko sa kanya. Maya maya Dumating na si Papa at may dalang papel.

 "Pa" nagmano ako sa kanya at ganun din si aya. 

"Ano pong sabi ng doctor kay mama? Ok na po ba siya? Kailan daw po siya pwedeng lumabas?" tuloy-tuloy kong tanong kay papa. 

 "Ok na siya anak, pwede na natin siyang ilabas. Nabayaran ko na rin ang bill dito sa hospital at ito yung binigay na riseta ng doctor para sa mama mo" sabay pakita niya sa akin nung papel na hawak niya kanina. 

 Hindi muna kami pumasok dahil sinabi ko kay papa na magpapahinga lang daw muna si mama kaya nag usap muna kaming tatlo tungkol sa grades namin ni aya. Tuwang tuwa si aya dahil sobrang taas daw ng grades niya at nagpapasalamat siya sa akin dahil tinulongan ko daw siya.Marami pa kaming pinagusapan tungkol sa Academics namin. Maya maya ay napagpasyahan na naming pumasok sa loob para gisingin na si mama at para makauwi na kami.Gabi na ng makarating kami sa bahay.

 "Alex, may naghahanap sa inyo dito kanina mayamang babae at lalaki. Babalik nalang daw sila bukas ng umaga" sabi ni aleng Marie."Ano daw po ang pangalan" tanong ni papa.

 "Nakalimutan ko ang pangalan eh, alam mo naman ako may pagkamakalimutin" natatawang sabi ni aling marie"Sige po salamat sa pagsabi" Sagot ni papa at pumasok na kami sa loob ng bahay.  

  "Pa, sa tingin niyo po sino kay yun?" tanong ko kay papa ng makapasok na kami sa loob."Wala rin akong idea anak kung sino ang tinutukoy nila" sabi ni papa. 

Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ang dalawang taong yun.Pumunta na ako sa kusina at ako ng ang nagluto ng pagkain namin. Kumain na kami pero hindi sumabay sa pagkain si mama dahil gusto na daw niyang matulog kaya kaming dalawa nalang ni papa ang kumain. Nilinis ko na ang pinagkainan namin at Pumunta na sa kwarto. 

Matutulog na sana ako ng maisipan kong maopen ng Fb dahil ilang araw na rin akong hindi nagbubukas. 30 Friend Request10 Messages Tinignan ko kung sino ang mga nagadd sa akin at inaccept ko lahat dahil mga kaklase ko naman sila at yung iba kabatch mate ko. Inopen ko rin ang Message. Pagtingin ko si paul at si Xavier pala ang nag chat. Inuna kong buksan yung kay paul.

"Hi kleng, nabasa ko yung pinost mo. Okay na ba si tita?" - Paul

"Oo, Kakauwi lang namin galing hospital" - reply ko

Sunod ko namang binuksan ay ang kay Xavier.

"Hi kleng, Kamusta na yung mama mo?" - Xavier

"Okay na siya saka kakauwi lang din namin ngayon" - reply ko

Pagkatapos kung magreply ay ilalapag ko na sana ang phone sa tabi ng unan ko ng biglang tumunog. Pagtingin ko ay nagreply pala si Xavier.

 "Ahh ganun ba. Sige matulog ka na kasi for sure pagod ka na ngayon" - Xavier

"Ikaw din matulog ka na" - reply ko

"Oo matutulog na rin ako kaya matulog ka na para sabay tayo" - Xavier

"Sige good night" - reply ko

"Good night and sweet dreams" - Xavier

Sineen ko nalang at hindi ko na nireplyan saka ko pinatay ang 3G ko. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto at natulog na ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

 Nagising ako dahil may naririnig ako umiiyak galing sa labas ng kwarto kaya bumangon kaagad ako at nagmadali akong lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa sala ay nakita ko si mama at papa na umiiyak kasama nila ang isang babae at lalaki. Sila siguro ang sinasabi ni aling marie na pumunta dito kahapon pero bakit pati sila umiiyak.

"Ma, Pa. Bakit po kayo umiiyak? ano pong nangyayari dito?" nagtataka kong tanong at lumapit sa kanila.

"S-Scarlett, ikaw na ba yan?" tanong ng babae na umiiyak at lumapit sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay bakas sa mukha niya ang lungkot, pangungulila at pagkasabik.

"Hindi po ako si Scarlett, ako po si klein" pagpapakilala ko sa kanya pero may halong pagtataka pa rin.

Napatingin naman ako kila mama at papa na umiiyak pa rin.

Lumapit naman sa akin si mama na umiiyak.

"K-Kleng s-si-la a-ang tu-tunay mo-mong ma-magulang" nauutal na paliwanag sa akin ni mama at mas humagulgol pa ng iyak.

Hindi nakapag react ang katawan ko dahil sa sinabi sa akin ni mama. Alam ko namang hindi nila ako tunay na anak pero parang masakit pa rin na hindi ko mapaliwanag kung ano itong nararamdaman ko.

Nakatayo pa rin ako at naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa bahagi ng mga mata ko at napagulgol.

Aang daming mga tanong sa isip ko na hindi ko alam kung anong una kong itatanong.

"Scarlett" tawag sa akin ng babae at niyakap niya ako ng mahigpit at lumapit din sa akin ang yung lalaki na sila pala ang tunay kong mga magulang.

"Miss na miss ka na namin" sabi nilang dalawa na umiiyak at nakayakap pa rin sa akin.

Tinignan ko sila papa at mama na umiiyak, niyakap ni papa si mama para patahanin.

Binitawan na nila ako at tumingin sila sa akin na nakangiti pero may luha pa rin sa mga mata nila.

Maya maya ay umupo na kami at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Gusto kong magtanong pero parang ayaw bumuka ng bibig ko.

"Kleng" tawag sa akin ni papa kaya tumingin ako sa kanya "Napag usapan namin ng mga tunay mong magulang na tataposin mo ang  school year mo dito at pagkataposnun ay sasama ka na sa kanila sa US at doon mo na ipagpapatuloy ang pag aaral" paliwanag ni papa sa akin na naiiyak.

 Tumingin ako sa bahagi ni mama para kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ni papa at dahan dahan naman niyang inangat baba ang kanyang ulo kaya umiyak na naman ako.

"Anak, this is for your own good" sabi sa akin ng totoo ko daw na papa at hinimas ang aking likod.

Humugot ako ng lakas ng loob at humarap sa tunay kong mga magulang.

*************

Una po sa lahat sorry dahil hindi po agad kami nakapag update. Pangalawa ay salamat sa mga nag vote at nagcomment at ang pang huli ay salamat sa  pag aantay :)))









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'll Be Back With SomeoneWhere stories live. Discover now