PAUL'S POV
Hinatak ko papunta sa locker room si klein at isinandal sa pader. itinapat ko ang mukha ko malapit sa mukha niya at bigla siyang pumikit na para bang hahalikan ko siya. kaya naman inilayo ang aking mukha at tumawa ng mahina.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KLEIN'S POV
Nagising ako ng may ngiti sa aking mga labi. Marahil sa masaya ako dahil nabawasan na ang galit sa puso ko at wala ng bumabagabag sa isip ko. Tama na patawad ko na siya. Ngunit wala ang ang dating pagmamahal na dati'y sakanya ko inilaan.
*FLASHBACK*
Dinala ako ni Paul sa locker room at isinandal sa pader. napapikit ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin at akmang hahalikan ako. pero ilang segundo lang ay iminulat ko ang aking mga mata dahil naririnig ko ang mahinang pagtawa niya.
"You're so cute kleng" nakangiting sabi nito. kaya naman sinampal ko siya. bwiset pinagmukha akong tanga, at ang masaklap pa eh pinagtawanan niya ko. "Ouch!" naka ngusong sabi niya. ang cute niya pero ang sarap niyang tadyakan dahil sa ginagawa niya.
"Ano ba problema mo? pwede ba lubayan mo na ko?" galit na sabi ko.
"Klein I'm serious. I'm so sorry for what I did before" Paul.
"Sorry? Sorry for what?" sagot ko na medyo gulat sa sinabe niya.
"For making you a rebound" sagot nito. kitang kita sa mga mata niya ang lungkot.
"Oh! *Gulat na sabi ko* Okay lang yun. anyways may itatanong ako sayo". sabi ko
"You don't need to ask me klein. It's yes. maniwala ka man o sa hindi minahal kita. gulong gulo lang ako ng mga panahon na yun kaya umalis ako. dahil ayokong saktan ka pero dahil sa ginawa mas mukhang nasaktan kita. kleng kahit na na sa malayo ako lagi parin akong gumagawa ng paraan para malaman kung ano na ang balita sayo" Naluluhang sabi niya. "Shhhhh... *pagpapatahan ko at bahagyang niyakap siya* Hindi mo na kailangan magpaliwanag. narinig ko na yung gusto kong marinig. wag mong sisihin ang sarili mo. Ayoko yung dapat humingi ng tawad sayo dahil hindi kita hinayaang mag paliwanag" Naiiyak na sagot ko.
"Oy Oy tama na yan" sabi ng isang babaeng kararating lang. kaya agad akong kumawala sa aming pagkayakap. "Alam mo panira ka Naddy" paul. "Wow ah! Malay ko bang gagawa kayo ng baby dito?" Naddy.
"Tigilan niyo na nga yang kalokohan niyo. Balik na tayo sa gymnasium" pag aaya ko. akmang maglalakad na ako paalis ng locker room ng biglang hawakan ni paul ang kamay ko.
"Kleng can we start again? can we still be friends?" paul. "Of course we can" nakangiting sabi ko.
*END OF FLASHBACK*
Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Nang bumaba ako sa kusina ay wala pang tao siguro ay natutulog pa sina mama at papa kaya naman nagsipilyo ako. pag katapos kong magsipilyo at dumiretso ako ng banyo at naligo. nag madali akong magbihis upang makapag handa na ng agahan.
Matapos kong magluto at mag handa ay saktong pag labas ni mama at papa.
"Good Morning Ma" sabay halik sa pisnge. "Good Moring Pa" ganun din ang ginawa ko.
"Mukhang ang ganda ng gising ng prinsesa ko" Nakangiting sabi ni papa.
"Mamimiss ko yang mga ngiti mo anak. Siya nga pala ay kamusta ang lakas niyo kahapon?" tanong ni mama. mamimiss? eh lagi naman kameng mag kasama. yaan mo na nga. baka natutuwa lang siyang makita akong ganito.
"Okay lang naman po. Nagkamustahan lang po at nagkwentuhan" Nakangiting sabi ko. "Nga pala Ma, Pa na kausap ko po si Paul kahapon. Okay na po kame" Nahihiyang sabi ko. Nagtinginan naman sila. "Magandang balita yan anak" sabi nila.
Nagsimula na kaming kumain at sa kalagitnaan ng aming pagkain ay biglang tumawag si aya kay mama. "Oh anak sagutin mo muna ang tawag ni aya" sabi ni mama. "Sige po Ma" sagot ko at tumayo.
"Oh aya napatawag ka?"sabi ko. ang aga na naman niyang nambubulahaw.
"Punta ka dito sa house kleng. movie marathon us" Excited niyang sabi.
"Ano papanoorin naten?" tanong ko.
"Harry Potter and the Deathly Hallows kaya please pumunta kanaaaaaaaaa" sabi nito. aray ah. sakit sa tenga. alam na alam niya talaga ang paborito ko.
"Sige mag papaalam lang ako" sagot ko.
"Okieee! Just text me kung what time kita susunduin" Aya. and she hang up the phone. alam na alam niya talagang papayagan ako basta siya ang kasama ko.
Pagbalik ko sa kusina ay tapos ng kumain sina mama at papa.
"Tapos na po kayo kumain?" tanong ko kahit halata naman na tapos na sila.
"Oo tagal mo eh. Ano pala pinagusapan niyo?" tanong ni mama.
"Nagyayaya po mag movie marathon sa bahay nila. kung okay lang po sa inyo" sagot ko.
"Oo naman. pero ikaw na ang mag hugas ng mga pinagkainan" natatawang sabi ni papa.
"Oo naman po. sige po tapusin ko lang po ang pag kain ko." sagot ko.
Umalis na si mama at papa at papunta sila sakanilang mga trabaho kaya naman naghugas na ako ng pinag kainan. Umalis ako ng bahay at siniguradong nakalock ng mabuti ang pinto dahil kanina pa pala na sa labas si aya.
"You're so bagal talaga" pag iinarte nito. Aba malay ko bang nandito na siya kanina pa. pumasok ako sa kotse niya at di na nagsalita pa. kaya naman pinaandar na niya ito.
Pag dating namen sa bahay nila ay binati ko ang guards nila dahil kilala naman ako ng mga ito. at dumiretso na kame sa kwarto ni aya. sa sobrang ganda at laki ng bahay nila siguradong mamamangha ka. sahig pa lang pwede ka na manalamin.
Nagsimula na kameng manood ni aya at bandang alas kwatro ng hapon ay nakatanggap ng text si aya galing kay mama at may limang hindi na sagot na tawag. kaya napag desisyunan ko na umuwi na. "Aya uuwi na ko ah. pasensya na baka may imporateng sasabihin si mama" sabi ko. "Okay lang kleng. I understand" sagot nito. hinatid niya ako sa labas ng gate at hinintay makasakay ng tricycle.
Habang na sa byahe ay iniisi ko kung bakit tumatawag at nagtetext si mama kay aya ng ganun kaaga. dati naman 7 pm na ko umuuwi okay lang sakanila. Kinukutuban na ako baka may nangyari ng masama. Huwag naman sana.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi Na :) pasensya na isang scene palang ang pag labas mo.
Hello Emman Santos :) Our number one reader. thankyou thank you.
To all readers. maraming salamat po and sorry for the typo I hope hindi kayo mag sawa sa pagbabasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/120681130-288-k710721.jpg)
YOU ARE READING
I'll Be Back With Someone
JugendliteraturExpect The Unexpected !!! Does LONG DISTANCE RELATIONSHIP work? "Kung mahal ka, babalikan ka!" yan ang sabi ng iba. pero lahat ba ng bumabalik mahal ka talaga? Maibabalik pa ba ang dating wala na? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sa...