Chapter 8: Message

16 3 0
                                    

KLEIN POV

 Ilang araw na rin ang lumipas simula nung inaccept ko si Xavier sa Fb at Simula din nun hindi pa ako nagoopen ng fb dahil busy ako sa pag aaral dahil malapit na ang Exam namin para sa first sem.Sabado ng umaga ngayon kaya nag aaral ako sa loob ng aking silid. Maagang umalis si mama at papa para magtrabaho gusto ko sanang tulongan si mama sa palengke pero ayaw niya, mag aral nalang daw ako para mataas ang makuha kong marka. Nagrereview ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko, si Aya. 

 "Aya, napatawag ka?"
 "Nagrereview ka na ba para sa final?" tanong niya
 "yup, why?" takang tanong ko.

 "Can you help me?, Because there's some of our topic that I don't understand and I know that you're the only one could help me, pleaassee" sabi niya with a pleading voice. Ang cute ng boses niya kapag nakikiusap.

 "Syempre naman, Para saan pa at magkaibigan tayo kung hindi tayo magtutulongan" Sabi ko sa kanya. Kung hindi ko lang to kaibigan siguro nag aalibay na ako para hindi ko siya maturuan. Hindi naman sa ayaw kong magturo sa ibang tao, mahirap kasi yung tinutulongan mo sila pero kapag ikaw ang may kailangan wala sila, o kaya naman eh tinuturuan mo na sila pagalit eh hindi naman nila sinusunod yung mga tinuturo mo.

 "okay then, i'll be there in your house in 5 minutes" sabi niya at sabay pagpatay ng linya.Ang bilis naman niya kung ganun. Siguro pinagplanohan na niya talaga na dito mag aral sa bahay at siguro alam na rin niyang papayag ako na magpaturo siya sa akin. Saktong 5 minutes nang may bumusina sa labas ng bahay namin kaya lumabas na ako mg bahay para salubongin si Aya. Lumabas siya ng kotse na nakabag pack at may dalang apat na plastic.
 

"Ano yang mga dala mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Binigay muna niya ang dalawang plastic saka sumagot.

"Pagkain para habang nag aaral may kinakain tayo at para hindi tayo magutom" malapad na ngiti ni aya sa akin. Napakamot nalang ako sa ulo at pumasok na sa loob ng bahay, nilapag ko yung mga plastic sa lapag ng kwarto ko.

 "Tara simulan na natin mag aral. Ano ba yung mga hindi mo naiintindihan sa topic natin?" Tanong ko kay Aya. Tinuro naman niya sa akin yung mga hindi niya masyadong naintidihan sa lessons namin.ala una na ng tanghali kami nagbreak para magtanghalian at tinuloy na ulit ang pagrereview, Alasyete na kami natapos magreview kaya nagluto na ako ng kakainin namin ngayong haponan at tinulungan naman ako ni aya magprepare sa lamesa ng mga pinggan. Sakto nang matapos kaming maghain ng pagkain ni Aya, dumating na ang mga magulang ko kaya nagmano muna kaming dalawa ni aya.


 "Kamusta ang pagrereview niyong dalawa?" tanong ni mama ng makaupo na siya sa harap ng hapagkainan.

 "okay na okay po tita, Tinuruan po ako ni Klein sa mga ibang lesson na hindi ko po alam. Sigurado po tita si klein po ulit ang magiging Top ng klase kasi alam na alam na po niya yung mga nilesson  namin eh" sabi ni aisha kay mama.

 "hindi naman, sadyang nakikinig lang ako sa mga lesson natin" natatawang sabi ko.

 "Ayy, parang sinasabi mo na hindi ako nakikinig ah" nakapout na sabi ni aya. Natawa nalang ako at pati ang magulang ko dahil sa inasta ni Aya.

Natapos na kameng kumain at umakyat na kame ni aya sa kwarto ko. 

"Kleng? where's your phone?" tanong niya.

"doon oh". sabay turo ko. kinuha naman niya ito at binuksan.

"haytss. you still don't have applications"sabi niya ng may pag iinarte.

"eh kase naman di ko naman ginagamit yan eh" sabi ko.

"I'll share  some applications to you" sabi niya.

I'll Be Back With SomeoneWhere stories live. Discover now