Klein pov
10 na ng umaga ng nagising ako at maalalang may reunion pala kame ng alas otso ng hapon. Kaya tumayo na ako sa pagkakahiga at iniligpit ang higaan ko. Nilinis ko ito para hindi ako mahirapan sa paglilinis. Bumaba ako sa kusina at naghain ng umagahan. Wala na naman akong kasama dahil maagang umalis sila mama at papa dahil week end ngayon. Nagluto ako ng pritong itlog at nag sangag ng kanin. Pag katapos ko mag luto inihanda ko ito sa lamesa at kumuha ng tubig at ketsup. Pagkatapos ko kumain hinugasan ko ang mga maruruming pinggan kutsara tinidor at baso. Nagwalis ako sa kusina upang hindi magkaroon ng ipis at daga. Pag tapos ko mag linis dumiretso ako sa sala at naglinis.
Pinagpag ko ang mga unan upang matanggal ang kaunting alikabok ng may napansin akong nahulog. Tinignan ko ito at isa itong litrato ng isang pamilya. Isang sanggol na babae at mag asawa. Nang tignan ko ito napansin kong hindi ito ang mama at papa ko. Pero nagtataka ako dahil alam kong ako ang batang na sa litrato. Hindi na ko nag isip pa ng kung ano ano. At inisip ko na lang na baka ninang at ninong ko na hindi ko pa nakikita. Itinabi ko to at nilagay sa isang picture frame na walang laman at dinisplay. Tinuloy ko ang aking pag lilinis ng may makita akong isang reseta ng gamot. Teka? Sinong may sakit? Tinignan ko kung may pangalan at nakita ko ang Lea T. Martinez. Si mama? Tama si mama. Kaya pala madalas siyang tulog pero para saan ba to? Anong sakit niya? Aytsss. Di naman siguro malala dahil di niya sinasabe saken kung ano ito. Alas singko ng hapon ng matapos akong mag linis sa buong bahay dahil maliit lang naman ito ay umakyat na ko nagdesisyon na mag pahinga sandali. At nakatulog ako. Tinignan ko ang orasan at nagulat ako ng makita kong alas sais na ng gabi. Ohmygossh tumayo ako sa pagkakahiga at nag hanap ng leggins at v neck shirt na kulay blue.
Dali dali akong pumasok sa c.r at naligo. Habang naliligo ako na isip ko na naman ang mga tanong na bumabagabag saken kahapon pa. Handa na kaya akong makita siya? Eh ang makausap siya? Handa na ba kong patawarin siya o mapapatawad ko pa ba siya? Auts di naman siguro pupunta yun dahil ang alam ko na sa ibang bansa. Ay nako sino bang may pake. Alas syete ng gabi ng matapos akong maligo at mag bihis.
Dumiretso ako ng kusina at nakita kong kakatapos lang nilang kumain. Teka? Bat lagi na kameng hindi sabay sabay kumakain? Dati naman sabay sabay kame ah. Nakakalungkot pero baka busy lang talaga ang isat isa. Nag sandok ako ng kanin at nag lagay ng adobo sa mangkok. Pinatong ko ito sa lamesa at nagsimula na kong kumain. Pag tapos ko kumain 7:30 na kaya nagsuklay na ko ng buhok at nag lagay ng pulbo at nagulat ako ng may sunod sunod na bumusina. Lumabas ako upang sumilip kung sino yun.
"Kleeeeeeeeeeeeeeeeeeeng" sigaw ng babaeng bumaba sa kotse
. "Ang aga mo namang mang bulabog at baka mamaya ipabarangay ka ng mga kapitbahay. And btw nice outfit" sabi ko.
"What? Maaga? Duh! Gabi na kaya. Late na nga tayo eh" pataray niyang sagot habang nakataas ang kilay. At bakit di kapa nakaayos? Tara sa bahay niyo at nang makapag OOTD kana."sabi niya. Teka? Anong ootd? Hinila ako ni aya papasok ng bahay ay inupo sa isang upuan tsaka nag labas ng make up kit. Girls scout be like laging handa. 8: 20 na ng matapos niya kong ayusan. Pinasuot niya sakin ang itim na bestidang binili namen kahapon.
---------------------------------------------------------------
Aisha Pov
Kanina ko pa gustong tawagan si klein dahil excited na ko pero wala siyang cellphone. Baka di pa niya nabubuksan ang box na binigay ko for her I hope nabasa na niya ang entry #1 dahil yun ang kailangan niya para di na siya maging bitter. Pero mas gusto kong mabuksan na niya ang entry #2 so excited. So ayun nag ayos na ako at nag madali. Nagdala ako ng make up kit dahil siguradong ang maganda kong kaibigan ay naniniwala parin na simplicity is beauty. Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar ito. Nang makarating ako sa harap ng bahay nila kleng may isang lalaking nasa tapat ng kanilang pinto at naka motor ito kaya bumusina ako ng sunod sunod. Umalis ito ng mapansin niyang siya ang binubusinahan ko. Tama ang hinala ko. Si Paul ang lalaking yun. Si Paul na dahilan kung bakit takot na takot mag mahal si klein. Buti na lang at nakaalis na siya ng lumabas si klein. "Ang aga mo namang mang bulabog at baka mamaya ipabarangay ka ng mga kapitbahay. And btw nice outfit" sabi nito. at sinagot ko ang sinabe niya pero to make the topic change . Hinila ko siya sa loob ng bahay nila at inilabas ko ang aking make up kit. At tawa siya ng tawa. Inayusan ko siya at pina palit ng damit. Bagay na bagay ito sakanya. Nakakapag taka nga nagusto niya ang black dress eh. Pero maganda naman ito yun nga lang paborito niya ang blue. Naisip ko na baka itim para magluksa ang ex-bf niyang hilaw. Anyways magluksa siya dahil kahit sinimplehan ko ang ayos kay klein ay sobrang ganda na nito. Mukha siyang prinsesa. Prinsesa pero may dinadalang lungkot na nakatago sakanya mga ngiti.
Note: Next Update will be tom.
YOU ARE READING
I'll Be Back With Someone
Fiksi RemajaExpect The Unexpected !!! Does LONG DISTANCE RELATIONSHIP work? "Kung mahal ka, babalikan ka!" yan ang sabi ng iba. pero lahat ba ng bumabalik mahal ka talaga? Maibabalik pa ba ang dating wala na? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sa...