CHAPTER 2: No.1 Entry

42 4 0
                                    

KLEIN POV

 Pagkarating namin sa mall kaunti lang ang mga tao dahil week days, pumasok kami sa loob ng H&M store. 

 "Tara pili na tayo ng mga damit". Excited na sabi ni Aya (short for Aisha). 

 "Ikaw na lang mukhang ang mamahal ng mga damit dito" sabi ko habang tinitignan siyang mamili ng damit. 

"Ano kaba? Wag mong intindihin ang presyo. Ako na bahala sayo". Sabi niya.Ilang oras na rin kameng namimili. si Aisha marami nang napili pero ako wala pa. May nagustuhan akong itim na bestida pero nung tignan ko ang presyo nanlaki ang mata ko sa sobrang mahal.

 "May napili kana ba?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko si Aya dala dala ang maraming damit na kanyang napili. 

 "May napili na ako. Kaso sobrang mahal kaya wag na lang" sabi ko sakanya. 

 "Ito ba yung tinutukoy mo?" Tanong niya habang nakaturo sa itim na bestida na nasa harapan ko kaya tumango na lang ako. "Wow bessy! It's beautiful. At mas gaganda pa to kung ikaw ang susuot. Kaya tara na at bayaran na natin to" Sabi ni Aisha. Tumalikod na siya sa akin dala ang bestidang itim at ang kanyang mga napili papunta sa cashier. Hinabol ko naman siya at sinabing 

 "Aisha wag na, ang mahal mahal niyan eh". Sabi ko sakanya habang pinipigilan siya pumunta sa counter.

 "It's okay kleng. Besides kanina pa tayo dito at wala kapang napipili". Sabi niya while she's rasing her eyebrow. 

 "Pero nakakahiya. Ang mahal niyan!" Sambit ko habang nakayuko."Wag ka nang mahiya. Makapal naman mukha mo eh" natatawang sabi niya.

 "Ay grabe siya oh!" Natatawang sagot ko.Binayaran na niya ang mga pinamili namin at inabot sa akin ang isang paper bag. 

 "Thanks Aya" nakangiting sabi ko.

 "You're welcome. So where do you want to eat?" Tanong niya. 

 "Ikaw na bahala. Libre mo naman eh" natatawang sabi ko. 

 "Sige hanap na lang tayo ng malapit na kainan. I'm so hungry na talaga eh."nagiinarteng sabi niya.

 Naghanap kame ng malapit na kainan dahil gutom na gutom na daw siya. Habang naglalakad hindi sinasadyang mapatingin ako sa isang babae at lalaking mag ka akbay. Naalala ko na naman yung panahon na kasama ko siya. Bumalik ako sa realidad ng pitikin ni aya ang tenga ko. 

"Nuh ba iniisip mo? Kain na tayo kleng gutom lang yan. Yun oh kenny rogers" sabi niya habang nakaturo sa Kenny Rogers restaurant. Habang kumakain nagkwentuhan ulit kame kung anong pwedeng gawin bukas. Quarter to eight na rin kame natapos kumain kaya napag desisyonan na nameng umuwi. Inihatid naman ako ni aya sa bahay.

 "Salamat Aya. I love you. Take care" nakangiting sabi ko. 

 "Sus. Don't mind it. You're always welcome kleng. I love you too " sabi niya at bumeso saken. 

Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa bahay. pag pasok ko ng bahay naabutan ko si mama na nanonood ng t.v. 

 "Magandang gabi ma"sabi ko. 

 "San ka galing at ginabe ka?"tanong niya. Oo nga pala di ako nag paalam dahil wala sila kanina. Kung may cellphone lang sana ako tinext o tinawagan ko siya. 

 "Sa mall ma, kasama ko po si aya. Di po ako nakapag paalam sa inyo dahil pag kauwi ko po kanina di ko kayo naabutan. Pasensya na po."paliwanag ko.

 "Okay lang anak. Sige na matulog kana." Sabi niya.

 pumasok na ako sa kwarto at hinubad ang sapatos ko. Pumasok ako ng c.r at nag hilamos at nag bihis na rin. Pag ka labas na pag kalabas ko sa kwarto ko humiga ako sa kutson. Sinubukan kong matulog pero di talaga ko dinadalaw ng antok. Tumayo ako at binuksan ang kahon na dala ni Aya nung nakaraang lingo. Sabi niya kapag bored ako sa gabi buksan ko yun. At talagang diniin niya saken ang salitang PAG BORED KA LANG AH. Kaya ngayong bored ako at di makatulog binuksan ko ito. Maraming laman ang kahon na iniwan niya para sakin. Napaisip ako dahil nakita kong may numero ang bawat isa. Kaya kinuha ko na lang ang may nakasulat na number 1.Binuksan ko ito dahil nakabalot sa gift wrapper ito. Pagkabukas ko isa itong parang libro nakasing laki nang notebook. Kinuha ko ito at bumalik sa higaan. Sa harap ng libro may na ka sulat na "Forgiveness" bubuksan ko palang ang unang pahina ng makaramdam ako ng antok. Forgiveness? Tama! Kailangan ko lang mag patawad. Sana nga handa na akong makita siya.  



Note: special mention RONAJEAN CARVAJAL madami akong nirevise sa story. kase napansin ko medyo maiksi eh


Hi sa mga classmates ko :) specially RANYA,EMMAN, MARC AND PAUL

I'll Be Back With SomeoneWhere stories live. Discover now