Ikaw at ako.
Dati , meron pang tayo.
Nasaan ka na ba? Nasaan na ba yung dating pagsasamang inakalang walang makakagiba?
Bakit parang ang bilis ata?
Masyado bang mababaw ang pagkakabaon kaya't madaling nabunot at nawala?Nilipad ba ng hangin?
Tinangay ba ng alon?
Naging basura ba't napakadaling naitapon?Nasaan ka na ba?
Akala ko hanggang huli.
Akala ko hawak-kamay ano man ang mangyari?Nasaan ka na ba? Nasaan na ba yung higpit? Bakit tila naging kasing luwag na ng sirang turnilyong di na kayang kumapit?
Nasaan ka na ba? Nasaan na ba yung mga pangako mo? Tila mga bagay na kinalimutan at iniwala. Nasaan na ba yung mga ngiti mong maningning pa sa mga bituing nasa kalangitan? Umuulan ba kaya't bigla bigla na lang lumisan?
Nasaan ka na ba? Nasaan na ba yung dating ikaw? Yung tayo? Yung tayo lang ang kailangan ng isa't isa? Yung ako lang sapat na? Yung ako lang. Ako lang ang nag iisa diyan sa puso mo. Ako lang ang nagmamay-ari ng lahat sa'yo. Yung ako lang ang nais mong makitang mag-aalaga sayo't sa mga magiging anak mo.
Nasaan ka na ba? Nasaan na ba yung mga katagang "mahal kita"? Nasaan na yung pag-ibig mo? Ibinaon mo ba kasama ng mga pangako mong napako't pumatay sa puso ko?
Nasaan ka na ba?
Nasaan na ba?
Nasaan na?Nasaan ka na ba?
Masaya ka na ba sa iba?
Wala na bang pag-asang makita ang iyong mga matang nagniningning sa galak at halos ikapunit ng mukha ang ngiting hindi mawala dahil ako'y iyong nakita?Nasaan na ba?
Hindi na ba maibabalik ang pagtingin mong dati'y akin lang? Hindi na ba marararamdaman ang mga mabababaw mong halik sa ulo? Ang mga mahihigpit mong yakap na nagsasabing "huwag kang matakot, nandito lang ako"?
Nasaan na?
Nasaan na yung TAYO? Yung pagtingin mo. Yung puso mo. Yung pagmamahal mo. Yung relasyon. Yung TAYO.
Nasaan ka na ba?
Nailigaw ka ba ng hangin at nakalimutan mo ang daan pauwi sakin?
Inanod ka ba ng mga alon at napadpad sa napakalayong lugar kaya't di ka na makabalik?
Naapakan mo ba ang balat ng saging kaya nadapa ka, nabagok ang ulo't nakalimutan na merong AKONG hawak ang puso mo? Nakalimutang IKAW ang nagmamay-ari ng kabuuan ko?Nasaan ka na ba?
Hindi ko na makita yung dating ikaw. Pag-aari ka na ba ng iba?*