Apoy Sa Lamig Ng Pasko

22 0 0
                                    

Inaalay ko ang piyesang 'to sa mga taong tulad ko na tinitiis ang hirap ng pagkawalay sa pamilya para sa magandang kinabukasan. Ito ay pinamagatan kong "Apoy Sa Lamig".

"Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawat damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog na ng langit"

Malapit na ang Pasko
Ramdam ko sa simoy ng hangin
Dinig ko sa pamilyar na mga awitin
Nakikita ko sa mga bumbilyang nagniningning

Malapit na nga ang Pasko
Ang pagkabuhay ni Hesukristo
Ang araw na pinakahihintay ng bawat tao
Nag-iisip ng mga panregalo
Nag-iisip na ng mga plano...
Malapit na ang Pasko
At kailangan ko ang apoy na tutupok sa lamig na kaakibat nito, sa lamig na dulot ng mundo

Ilang araw, ilang buwan nang naglalakbay
Sa bagong mundo'y mag-isang nilalamig at namumuhay
Makakapal na kumot ang aking kaagapay
Yumayakap sa giniginaw kong katawan
Yumayapos sa nilalamig kong kalamnan
Yumayakap, yumayapos ngunit bakit ang init na hatid nito'y kulang na kulang

Tinitiis ko ang umuulang mga yelo
Sinasanay ang sarili sa hagupit ng malamig na bagyo
Nananalangin na sana'y huwag tuluyang maparalisado
Natatakot dahil habang papalapit na ang araw Pasko ay nadaragdagan ang lamig ng hanging umiihip sa mundong ito.

Natatakot ako dahil sa pagbilang ko ng araw sa kalendaryo
Habang tumatagal ay tila sumusuko ang katawang 'to
Natatakot ako dahil hinding-hindi na sapat ang init na hatid ng mga kumot ko
Hindi na sapat upang maibalik ang init sa katawang unti-unti nang nilalamig
Kailangan ko ang init upang maipagpatuloy ang pagtupad sa mga pangarap, sa mga mithiing pagkawalay sa apoy ko ang kapalit.

Nais kong maramdaman,
Mabuhay muli ang nag-aagaw-buhay kong katawan
Hangad ko ay panibagong init,
Panibagong lakas upang maipagpatuloy ang nasimulang malimig na pamumuhay para sa mas mainit na bukas.

Kaya ngayong malapit na ang Pasko
Mga kaibigan, mga kumot ko
Ako ay magpapaalam sa inyo
Uuwi muna ako
Lilisanin pansamantala ang malamig na mundong ito
Uuwi sa apoy na ninanais ko
Uuwi ako.....

Dahil iba pa rin kung pamilya ang kapiling sa Pasko.
Dahil mas masaya, mas kumpleto ang Pasko
Sa piling ng apoy na magpapainit ng malamig kong mundo
Kailangan ko ang apoy sa lamig ng Pasko
Ang apoy ko sa lamig ng Pasko ay ang pamilya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon