Tatlong Uri ng Tao

190 1 0
                                    

Ang piyesang to ay tungkol sa tatlong uri ng tao dito sa mundo. Marami nang version ng ganto sa facebook or sa iba pang social media sites na nababasa niyo pero ito ang bersyon ko ng tatlong uri ng taong nabubuhay sa mundo.

Una ay yung taong nagmamahal
Pangalawa, yung taong minamahal
At pangatlo ay ang kumbinasyon ng una at ikalawa
Ito yung taong nagmamahal ng taong may minamahal na iba.

Hayaan niyong ipakilala ko sila isa-isa
Sasabihin ko yung mga katangian nila
Dahil baka isa kayo sa kanila
Dahil baka dito niyo malalaman kung sino ba kayong talaga

Si una ay masipag
Matiyaga't tinatanggap ang hirap.
Matiyang naghihintay kahit mahirap
Matiyagang nagmamahal ng taong pinapangarap

Si una, ginagawa ang lahat para dumeskarte
Ginagawa ang lahat para may pambiling bulaklak at tsokolate
Tinitiis lahat kahit na palagi
Palagi na lang siyang binabalewala ng minamahal niyang babae

Si una ay masaya.
Masaya siya sa kabila ng pagod na nadarama.
Masaya siya dahil nagmamahal siya.
Masaya siya dahil mahal niya ang minamahal niyang napakahalaga
Masaya siya dahil nagmamahal siya ng taong minamahal niya.
Masaya siya sa pagmamahal kay ikalawa.

Si ikalawa naman yung taong tanga
Tila bulag, hindi nakikita yung paghihirap ni una
Siya yung taong walang ibang ginawa kundi mag ignora
Siya yung taong mahilig mangbalewala dahil
Hindi niya nakikita yung effort na binibigay ng nagmamahal sa kanya

Siya rin pala yung taong mayaman
Sa sobrang yaman niya nagsawa na siya sa tsokolate't bulaklak kaya deretso na ang mga ito sa basurahan
Mayaman din siya sa atensiyon kasi hindi niya binibigyang pansin ang oras ng nagmamahal sa kanya at mga aksiyon.
Sa sobrang yaman niya nga kaya niyang bumili ng isang mansiyon kung saan doon maaari niyang itambak ang mga pusong hindi niya binigyang atensiyon

Pero lahat ng pangyayari may dahilan
Sabi niya lahat ng pangit ay hindi makikilala kung walang kagandahan
Kaya yung ugali niya na parang basahan
Mayroon daw'ng rason at pinagmulan

Ngayon pupunta tayo kay ikatlo.
Diba siya yung taong nagmamahal ng taong iba ang gusto?
Yung taong laging nagmamasid sa likod ng puno
Pinapanood yung minamahal niya galing sa malayo.

Siya yung ang mga mata'y laging namamaga
Nauubusan ng tubig, nauubusan ng luha
Yung mahal niyang nagmamahal ng iba ay hindi niya kayang makita
Pero siya rin yung taong mas nangingibabaw ang kasiyahan kesa sa pait habang tinitingnan ang minamahal niyang nagmamahal ng iba.

Yung ugali niya parang ugali ni una diba?
Masipag siya, matiyaga't masaya
Pero bakit nga ba ganon yung ugali ni ikalawa?
Pano siya naging konektado sa kanila?

Yung totoo...
Si una pala, may ugaling gaya ni ikalawa.
Si ikalawa naman may ugaling kagaya rin ni una.
At si ikatlo ay may ugaling kumbinasyon nilang dalawa.
O sa madaling salita, pareho lang silang tatlong nagmamahal ng mga taong may minamahal na iba.
Pareho silang tatlong masipag, mayaman, matiyaga, tanga, magaling mangbalewala, magaling mag ignora, tanga, mayaman, magaling mangbalewala, masaya
Pareho lang silang nagmamahal ng mga taong may minamahal na iba
At dahil sa pagmamahal na iyon ay nabulag sila dahil
Hindi nila nakikita ang mga taong nasa likod ng puno, nagmamasid at tahimik na lumuluha.

Si una, na nagmamahal kay ikalawa.
Si ikalawa na minamahal ay iniibig si ikatlo.
At si ikatlo na nagmamahal kay una na minamahal si ikalawa.

Spoken Word Poetry (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon