Ideal Boy

56 0 0
                                    

Matangkad, Matipuno
May matangos na ilong at moreno
Manipis ang kaniyang mga labi
Ngunit minsan lamang nasisilayang ngumiti
Makapal ang palaging halos nagkakadungtong na kilay
May malalalim na mata na hindi alam kung paano pumungay
Mga panga na sa isang tingin pa lang alam mo ng marahas siya
Ang mga maliliit niyang balbas na gustong-gusto kong madama
Siya..
Siya ang lalaking gusto kong makasama.

Dapat hanggang baba lang ako sa kaniya
Gusto kong tumapat ang noo ko sa mga labi niya upang kapag hahalikan ito'y madali niyang magawa
Gusto ko ng taong may boses na nakakaintimida
Iyong tipong isang salita pa lamang ay manginginig ka na
Gusto ko ng taong kinatatakutan ng madla
Ngunit kapag kaharap ako'y malambing palang talaga

Gusto ko ng may kamay na halos ang laki ng akin ang dumoble pa
Gusto ko ng matalino lalo na sa Matematika
Gusto ko ng taong hindi marunong tumawa o ngumiti sa iba
Gusto ko ng taong hindi ginagawa sa iba ang sa akin niya lamang ipinapakita.

Dapat mahilig din siya sa musika
Kahit hindi kumakanta basta naggigitara
Dapat pala nagluluto rin siya
Para hindi ako magutuman pag magkasama kaming dalawa

Gusto ko malupit siya
Mas matanda ng apat na taon o higit pa
Meron sana siyang pagmamay-aring kompanya
Siya ang gusto kong mapangasawa.

Ideal boy ko ay sa mga aklat lamang nababasa
Imposible dahil perpekto siya
Kaya ipapahayag ko na lamang sa isang tula ang mga katangian niya
Tulad ng kung paano ko siya nababasa sa mga libro, sa mga titik at pahina.

Spoken Word Poetry (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon