Nagmahal, Nasaktan, Patuloy na Nagmahal

188 8 2
                                    

NAGMAHAL
Ako ay simpleng tao lang noon
Walang pakialam sa paglipas ng panahon
Subalit bigla nalang nag-iba ngayon
Magmula ng ika'y makita kahapon

Pag-ibig na nga ba ang nararamdaman
Puso ko'y ikaw lamang ang nilalaman
Palagi ring ikaw ang nasa aking isipan
Pati na rin sa gabi ika'y napapaginipan

NASAKTAN
Masaya noong una
Mahal mo ako at mahal kita
Ngunit dumating ang araw na kinatatakutan ko
Naghanap ka ng iba at iniwan mo ako

Kasabay ng pagpatak ng aking luha
Ang pag-iisip na sana ako'y mahal mo pa
Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung mayroon pa bang sisimulan
Sapagkat ako'y nasaktan, dahil iyong binitiwan

PATULOY NA NAGMAHAL
Sa bawat araw na aking binabalikan
Tanging nakikita masayang ala-ala sa nakaraan
Sa mga segundo, minuto at oras na magdaan
Sana malaman mong hinding-hindi kita bibitawan

Umaasa ako sa pangako mo, mahal ko
Na tayong dalawa hanggang dulo
Sana sa muling pagbalik mo
Hindi kana muling lilisan sa tabi ko

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon