Noong una pa lamang kitang makita
Nakita ko na ang ngiti mo na kay ganda
Ang sarap pagmasdan sa di kalayuan
Naging paborito ko ng kunan ng larawan
Nagkakilala tayo at nagkabunggo
Mamahalin kita at doon tayo patungo
Hindi man tayo sa simabahan nagkatagpo
Pero sana doon din ang patungo
Lumipas na ang dalawang taon, mahal ko
Ngunit ika'y nanatili sa puso ko
Hindi ko mabura ang 'yong ala-ala
Pagkat sa akin ikaw ay mahalaga
Hanggang sa isa, dalawa, tatlong taon
Tatlong taon na naman ang lumipas
Pilit na hinuhukay sa pagkakabaon
Mga ala-alang hindi kumukupas
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.
