Sa kagitnaan ng ulanan
Tayo'y magkasamang nagtatawanan
Hindi iniisip ang iba
Ang mahalaga ay kasama ang isa't-isaKasama kita habang pinagmamasdan
Ang bawat patak ng tubig mula sa kalangitan
Sa pagbuhos ng ulan,
Aking naaalala ang masayang nakaraanAt sa bawat pagpatak din ng ulan
Aking naaalala ang walang humpay na kaligayahan
Tila ayaw ko ng tumigil pa
Tila ayaw ko paUnti-unting tumitila
At para bang ang ulan ay nawawala
Hanggang sa dumating ang kinatatakutan ko
Tumigil ang ulan at ika'y biglang naglaho
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.