Ang unang bisig na sa akin ay umalalay
Nagbigay sa akin ng patnubay at gabay
Nagbibigay din sa akin ng leksyon
Tuwing ako'y may ginawang masamang aksyonKapag lungkot ay aking nadama
Kapag takot tahakin ang landas mag-isa
Kapag may takot man o pangamba
Ikaw tatay, aking kasama at kasanggaKasama kita tuwing ako ay nag-iisa
Hindi mo ako iniwan kahit ikaw ay nahihirapan na
Dakila ka aking mahal na ama
Buong buhay mo'y inilalahad mo para sa buong pamilyaHindi mapapantayan ng kahit anong bagay
Ang labis niyong paghihirap kasama ni inay
Kulang na lamang gawin niyong umaga ang gabi
Maibigay niyo lamang ang aming minimithiSalamat sa lahat, aking ama
Salamat sa inyong pagsasakripisyo ni ina
Kung wala kayo, walang saysay ang aming buhay
Mula sa aking puso, mahal kita aking tatay.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PuisiIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.