Nagsimula ang ating istorya sa hindi inaasahang pagkakataon.
Noong araw na iyon, ang tadhana at panahon ay sumang-ayon.
Nagkaisa ang lupa at langit para tayo'y magkalapit. Palaging nagkukrus ang ating landas,
Kaya't puso ko'y tumibok ng wagas.Sobrang kasiyahan ang dulot sa akin,
noong nalaman kong sa akin ika'y may lihim ding pagtingin.
Saksi ang kalawakan sa ating pag-iibigan,
na akala ko iyo'y wala ng katapusan.Sabay tayong sumulat sa puno ng pangalan nating dalawa,
at naniwala na hindi na matatapos ang ating istorya. Bawat gabi'y kasama kang tumitingin sa kalangitan,
sabay tayong humihiling na sana'y ating kaligayahan ay di mapalitan ng kalungkutan.Sa mundong ibabaw, sabay tayong naglakbay.
Kasama ka sa bawat agos ng aking buhay.
Sa bawat kasiyahan,
Akala noon iyo'y walang katapusan,
subalit ngayo'y nasan ka? Kasama mo ay iba na.Sa bawat araw na nagdaan,
ala-ala nati'y di makalimutan.
Dala kung saan magpunta,
pinagsamahan nating dalawa.Nag-aabang kung may susunod pa bang kabanata,
ang istorya nating dalawa.
Ang akala ko noon, ang storya natin ay di magwawakas.
Subalit dapat ko ng tanggapin na,
Dito na nagtatapos ang istorya nating dalawa.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.