Tadhana nga ba talaga?

99 2 0
                                    

Mahal, ang hirap at ang sakit isipin
Ikaw ngayo'y wala na sa aking piling
Bakit ganito sa atin ang tadhana
Walang ginawa kundi ang magpaasa

Tadhana nga ba talaga ang masama?
O sadyang tayo lang ang may problema?
Mahal hindi ko lubos maisip, bakit?
Bakit hindi mawala sa puso ang sakit?

Tadhana'y pilit tayong pinagtatagpo
Hindi na alam kung saan pa tutungo
Tadhana na din ang pilit na naglayo
Ako ay nahihirapan, nalilito

Mahal hanggang dito na lang ba talaga?
Tayo bang dalawa ay wala ng pag-asa?
Sa tadhana ako palaging humihiling
Na ikaw at muling aking makapiling

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon