Ipinagtago pero hindi itinadhana

155 2 0
                                    

Ang kwento ng ikaw at ako
Ang kwento ng tayo
Na akala ko ay hanggang dulo

Palagi kong naiisip, bakit kaya?
Bakit kaya tayong dalawa'y nagkita kung hindi rin naman para sa isa't isa.
Bakit kaya?
Isa, dalawa, tatlo
Ang bilis no?
Tatlong taon na pala ang lumipas
Simula ng magkatagpo ang ating landas
Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito
Na muhuhulog ako ng husto
At mawawasak din ng todo

Mahal naalala ko pa ang unang beses na tayo'y nagkita
Nang masilayan ko ang iyong mga mata.
Noong mga panahong sobrang saya nating dalawa
Hindi napapansin ang oras kapag kasama ang isa't isa
Sabay tayong tumatawa
Yung tawa na hindi napaparanas sa akin ng iba
Ligaya na ikaw lang ang pumupuna
Hanggang sa isang araw paggising ko
Naging malamig na ang iyong pakikitungo
Isang araw na naman ang dumaan, sinabi mo
" Itigil na natin 'to "
Hindi ko alam kung nagbibiro ka lang o seryoso
O ayaw lang tanggapin ng puso ko na ang sinabi mo ay totoo.

Isang araw nagising na lang ako
Wala ng ikaw at ako
Ako nalang pala mag-isa
Ang kumakapit sa pangako nating dalawa
Ako na lang pala mag-isa
Ang umaasang maibabalik pa
Ako nalang pala mag-isa
Ang lumalaban para sa pangarap ng isa't-isa
Ako nalang pala, dahil wala kana.

Aasa pa ba ako sa kataga na,
"Kung tayo, tayo talaga"
O dapat ko ng kalimutan ka
Dahil marahil tama sila
Na tayo'y pinagtagpo lamang
Ngunit hindi itinadhana
Dahil mahal, tayo'y nakalaan pala para sa iba,
At hindi para sa isa't-isa.

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon