Ikaw ang kasama buhat noon.
Kasama ko hanggang ngayon.
Nandyan ka sa oras na kailangan kita.
At sa panahon na ako'y nag-iisa.Hindi ko namalayan na ako pala ay nahuhulog na,
pagtingin ko sa iyo parang nag-iba.
Isang araw ako'y nagising mahal na kita.
Sinabi ko sa'yo, ngunit ako'y nilayuan mo.Mahal, hanggang kaibigan lang ba talaga? Kakaibang saya ang dulot mo kapag kasama kita,
pero bakit ika'y biglang nawala na parang bula?
Tuwing sasapit ang dilim ako'y umaasang ika'y babalik.Palaging nakatitig sa mga butuin at humihiling na sana'y muli kang makapiling.
Unan kong gabi-gabing nababasa ng aking mga luha,
sakit sa aking puso'y di mawala-wala.
Mahal, hanggang dito na lang ba?
Pag-ibig ko sayo ay di nag-iba.
Gusto kong bumalik sa nakaraan at pilitin na ibahin ang ating kasalukuyan.
Kakausapin ko ang tadhana na sana'y tayo nalang dalawa.Ngunit imposible na iyon ay mangyari.
Hindi ko kayang ibalik ang dati.
Kaya aking tatanggapin na lang ang katotohanang,
tayo'y hanggang dito nalang.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PuisiIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.