stuck between AYAW KO PA at KAYA KO NA
Noong una tayo'y masaya, masayang masaya. Noong una puro tawanan at walang problema. Noong una, ni isang unan ay wala pa akong nababasa gamit ang tubig na mula sa aking mga mata. Noong una na wala pa akong nakikita. Noong una na nagbubulag-bulagan pa ang aking mga mata. Noong una na hindi ko pa pinupuna. Pero ito ay noong una.
Noong nalaman kong masaya ka, masaya na din ako. Masaya ako kahit alam kong hindi naman ako ang dahilan ng kasiyahan mo, naging masaya ako. Sabi ng iba 'tigilan mo na' 'bumitaw ka na' 'tama na' pero ang sabi ng puso ko ay AYAW KO PA.
Ayaw ko pa dahil mahal kita kahit na ayaw mo na.
Ayaw ko pa kahit alam kong gusto mo na akong lumayo dahil may iba ka na.
Ayaw ko pa kahit ang sakit sakit na.
Ayaw ko pang bumitaw.
Ayaw ko kahit harap-harapan ko kayong nakikita.
Ayaw ko pa pero bakit sa lahat ng tao, bakit ang bestfriend ko pa?Nakakatawang isipin. Bestfriend na kapatid na ang aking turing . Na mahal na mahal ko. Kaya nagising ako. Nagising ako sa katotohanan. Masaya silang dalawa. Kaya nag-isip ako. Kakayanin ko at titiisin kong masaktan para sa kanila. Kakayanin ko at kakayanin ko at kakayanin ko at kinakaya ko na hanggang sa KAYA KO NA.
Kaya ko na ng wala ka.
Kaya ko na ulit ngumiti.
Kaya ko na
Kaya ko na
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PoetryIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.