Matapos ng aking gabi-gabing pagluha,
ng araw-araw kong paghihintay sa wala,
ng ilang buwan kong pangungulila,
at ng ilang taong lumipas na ako'y mag-isa,
ika'y biglang nagpakita.Muli akong sumigla.
Ang aking kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan.
Dati ako'y nag-iisa, ngayon ay kasama na muli kita. Muli kang bumalik.
Muli kang nasilayan. Muli kang nahagkan.
Muli, kamay mo'y aking nahawakan.Ang walang katapusang katanungan,
ngayo'y nahanap na ang kasagutan.
Ang walang humpay na pagluha ,
ngayo'y walang humpay na kasiyahan na.Pero tila parang may nag-iba?
Hindi ko iyon inalintana.
Hanggang lumipas pa ang ilang araw,
tayo'y nakaupo sa tabi ng tubig na tila'y sumasayaw.Noong araw na iyon ako'y may kakaibang naramdaman,
bakit tila magkalayo tayo samantalang tayo'y magkatabing nakaupo?
Bakit ganito? Bakit parang hindi na ako masaya? Bakit parang ang puso'y iba na ang dinidikta?
Bakit wala na akong nararamdang saya kapag ika'y aking kasama?Hanggang sa sumagi sa aking isipan ang isang kakaibang katanungan,
hindi ko alam kung ano itong nadarama,
mahal pa ba kita?
Masaya ba talaga ako noong bumalik ka? Ikaw pa'rin ba talaga?
Ano ba itong naiisip ko? Masaya ako !
Masaya ako na ika'y nasa tabi ko.
Marami lang siguro talagang nag-iba.
Pero mahal, sana mali ang aking hinala.
BINABASA MO ANG
Tagalog Poetry
PuisiIba't-ibang tula para sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang dinadamdam.