KAIBIGAN
Ikaw yung tinuring kong kaibigan
Ikaw yung sinamba ko sa tuwina
Ikaw yung nagsilbing sandalan
Sa lungkot at pagod na hatid ng buhayIkaw yung naging inspirasyon upang tumawa
At ngumiti ng malawak
Ikaw yung taong humubog at kinunan ng lakas
Tuwing problema’y di na kayang mag wakasNaalala mo pa ba noon, kaibigan?
Nung bago lamang ako pumasok dito sa magulo mong tahanan?
Tinatawag kita, kinukuha yung atensyon mo
Huy! Pansinin mo naman ako
Nandito yung desperadang ito
Nanghihingi ng kaunting oras mula sayoPinaunlakan mo ang aking pagsusumamong sumali sa palaro
Oo, sumagot ka’t ika’y nanalo
Binigay mo sakin ang premyo
Umasa ako na ito ang magiging pinto patungo sa pagkakaibigan na hangad koPero kaibigan, kaibigan
Kamakailan lang ay may nangyaring di maganda
Pangyayari na humantong sa pagsambit ng mga katagang tangina at gaguhan
Inaamin ko, nasaktan ako ng sobra
Nasan ang tiwala? Di mo pala maibigayHindi kita ginago
Hindi kita ginagago at
Hindi kita gagaguhin
Namutawi sa labi ko ang mga salitang ito
Sana naman, kahit ito lang ay paniwalaan moNaalala mo pa ba noon kaibigan?
Nung sinabi mong tinuring mo na din ako bilang isang kaibigan
Hindi ko alam kung maniniwala ba o hindi
Pero sa maniwala ka’t sa hindi sumaya ako’t napangiti
Kahit ang mga mata ko’y lumuluha na’t humahapdiLumipas ang mga araw kaibigan
Unti-unti nang bumabalik sa dati ang lahat
Tumatawa na tayo’t nag aasarang dalawa
Kahit di mo pa sinasambit ang salitang “pasensya”Sino ba naman kasi ako sayo upang ika’y pilitin?
Isang hamak na mambabasa lang naman ako sa iyong paningin
Kaya mga mensahe na dapat ay sayo lamang ipinabatid
Pinabasa mo sa iba’t sabay kayong naaliwPina init ko ba ang ulo mo kaibigan?
Pasensya ka na, di ko naman ito sadya
Gusto ko lamang naman na maintindihan mo
Na espesyal ka sakin at ganun din ang kabilang grupo sa puso koNung araw na pinapili mo ako
Kung kanino ako sa inyo makikisalo
Sobrang sakit ng naramdaman ko
Di agad naka tipa at tanging luha lamang ang tumuloKaibigan, kailangan ba talaga?
Kailangan bang pumili sa inyong dalawa?
Ngunit katanungan ko’y nasagot mo na
Ng pinagpilitan mong pumili ako ng isaIkaw o sila? Sila o ikaw? Tanong ng aking isipan
Ngunit puso ko na ang nag pasya
Wala akong pinipili sa inyong dalawa
Di baleng ako nalang. Ako nalang mag isaBasura na ba ang tingin mo sakin ngayon?
Basurang nakakasakit ng mata at ulo?
Galit ka ba sa iyaking ako?
Na baliw at emosyonal kung ilarawan mo
Ayaw mo na ba sa taong ito?
Na hangad lang ay ang sumuporta sayoMaaaring sa libro mo’y nilabag ko ang lahat ng nandoon
Nakisalamuha sa mga taong di mo gusto
Nakitawa’t nakipag asaran ng husto
Pero ang lahat ng ito?
Ay iba at malayo pag ikaw ang kausap koSana sa susunod na panahon kaibigan
Haha, kung may susunod pa man
Sana ay maayos pa ang nasira
Sana ay mabuo pa ang nawasak
Sana ay maliwanagan ka sa lahat
Na lahat ng sinabi ko sayo’y purong katotohanan lamangMarami pa sana akong idadagdag sa tulang ito
Idadagdag ang mga pangyayaring nangyari sa buhay ko
Ngunit batid kong ang mga pahinang sinusulatan ngayon
ay paubos na
Kasama ng librong isasarado ko
Hanggang dito na lamang ang tula ko sayo
Sana’y maging masaya ka bukas at sa susunod pang panahon
Paalam, kaibigan ko.