FY. 1

25 6 4
                                    

Heto na naman ako
Sa kwarto kong sinlamig ng yelo
Walang kahalubilo
Tanging sarili ko

Kaya sa telepono ako'y babad dito
Nakakagawa ng tulang romantiko
Di ko nga lang nilalabas sa lungga ko
Baka ako'y mapansin ng madaming tao

Ngunit mapagayunpaman
Ang mga ito'y distraksyon lamang
Distraksyon na kinakailangan ko sa magdamag
Sa tulad kong nasasaktan sa mga aksyong di malaman kung dapat bang paniwalaan

Talagang tama nga ang sabi sabi ng karamihan
Ang pagbabago nga lang ang tanging di nagbabago sa mundong ginagalawan
Ginagalawan ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan, minamahal, at kinukunan ng lakas sa buong magdamag

Tulad na lamang ng taong aking hinahangaan
Ikaw, oo, ikaw
Nagbago ka na
Di na kita makilala

Ibig kong ibalik ang nakaraang magaan sa pakiramdam
Yung nakukwetuhan ka sa lahat ng bagay kahit na wala itong laman
Kaya lang ay mukhang pati yun ay
Di ko na magagawa
Pagkat yun nga, nagbago ka na

Parang may harang na sa pagitan nating dalawa
Di ko nga alam kung sino ba ang gumawa
Ako ba na nagpupumilit lumapit sa iyong giliran?
O ikaw na lumalayo habang ako'y lumalapit, pinipilit abutin kang muli at iahon sa iyong pagkakalugmok sa putikan

Tulad ng panahon, gumulong ang gulong, uminit at ngayon ay umaambon
Ang relasyong meron tayo ay dumadaan sa pagsubok
Ngunit sana nama'y maayos pa natin ito

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon