Nahanap ko ang sarili ko
Nahanap ko ito kaharap ng Panginoon
Nasa loob ng kapilya at nagtatanong
Masama ba akong tao para maranasan ito?Binuhos lahat ng pighati
Lahat ng pait at pagkamuhi
Sa Kanya ay nanalangin
Na sana'y makunan ang hinanakitHumanap ng masasandalan
Balikat na makakapitan
Tatrapo sa luhang nahuhulog
Mula sa matang napapagodAlam kong nakikinig Siya
Alam kong nakikita Niya
Alam kong nagbabantay Siya
Alam kong nandito lang SiyaAlam ko namang nagkasala ako
Na may mali din ako
Lahat ng yun ay inaamin ko
Pero lahat ng ito'y pinagsisihan koAlam kong sa paglapit ko Sayo
Ako'y magiging ayos
Alam kong babalik ako sa pagiging ako
Yung buo at masayahing taoSa gabay Mo, hihimbing ang tulog ko
Mawawaksi ang sakit na nararamdaman ko
Sa piling Mo ako'y magiging bago
Taong mas malakas pa sa inaakala ko.