Sayang

37 10 25
                                    


Kamusta ka na?
Inaalagaan ka ba niya?
Minamahal gaya ng pagmamahal ko sayo noon pa man?

Masaya ka ba sa kung nasaan ka ngayon mahal?
Naka ngiti ka ba ngayon habang nakadungaw sa bintana
At naka titig sa mga tala?

Mahimbing ba ang tulog mo tuwing gabi?
Maganda ba ang gising mo tuwing umaga?
Positibo pa ba ang pananaw mo sa buhay?
O napalitan na ito ng pagkadigusto at balde baldeng luha?

Nakita ko, sinasaktan ka niya
Ngunit lahat ng iyon ay tinitiis mo lang
Kasi nga, akala mo mahal ka din niya
Na pinipilit mo lang maging masaya
Pero yun pala’y gusto mo nang lumaya, di mo lang magawa

Alam mo ba mahal, araw araw ay tinitignan kita
Tinitignan kahit hindi sa malapitan
Tinitignan kahit milya milya ang layo ko sayo sinta
Binabantayan ka’t minamahal ng palihim lang

Marami akong nadiskubre sayo
Mga bagay bagay na naging dahilan
Upang lumalim ang pagsinta ko

Lagi kang tumatawa
Lagi kang umaawit tuwing umaga
Lagi kang tumutulong sa kapwa
Lagi kang may ngiti
Di lamang sa mukha pati narin sayong mga mata

Lagi ka din umiiyak tuwing nag-iisa
Lagi kang naka tanga
nalilinga't napupunta sa kawalan
Lagi kang nasasaktan
Mapa emosyonal man o pisikal
Laging ikaw ang umiintindi sa inyong dalawa

Mahal, alam kong nahihirapan ka na
Alam kong konti na lang bibigay ka na
Yung sakit na nararamdaman mo ay sagad na
Hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa mo’t
Mula ulo hanggang paa

Sayang nga lang at di kita madadamayan
Sayang at di mo na ako makikita
Sayang at huli na para sakin ang lahat
Sayang dahil wala na ako dyan

Nandito na ako sa ulap nanonood, nag aabang

Oo mahal, tama ka
Ako ngayon ay nasa langit na
Mula noong niligtas kita
Sa taong iyong kinakasama

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon