Naranasan mo na

87 16 61
                                    

ColdQuietPhoenix bebe, thank you for helping me with this. Love you 😘😘😘


Naranasan mo na

Masaya
Maganda
Malaya
Maginhawa
Yan ang tingin ng mga taong may paniniwalang
Masarap mabuhay dito sa mundong ibabaw

Paniniwala na hanggang ngayon
Kinakapa ko pa
Hinahanap sa kung saan
Tinatanong kanino man

Masayang mabuhay sa mundong tiyak
Lahat ng bagay ay iyong magagawa
Pamumuhay mo man ay katamtaman at payak
Marami namang nagmamahal sayo ng tunay

Ang sarap marinig ano?
Ang sarap danasin ang mga bagay na gaya nito
Pero paano, saan, kanino?
Bakit sa sarili ko, di ko maramdaman ang mga ito?

Yung pakiramdam na may kasama ka sa buhay
Yung hindi ka iiwanan ng mag-isa
Sasamahan ka sa lungkot at ginhawa
Sasabay sa mga kalokohan mong taglay sa buhay

Yung makaka intindi sayo kahit may topak ka sa ulo
Dadamayan ka sa problemang kinakaharap mo
Pupunas sa mga luhang tumulo galing sa mga mata mo
Papatawanin ka upang gumaan ang loob mo

Kasi ako ngayon naririto
Nakakulong sa isang kwarto
Kwartong madilim at walang tao
Walang kasama kundi sarili ko

Yung pakiramdam na para kang ginagapos
Di maka hinga ng maayos
Di makalaya, di maka hingi ng tulong
Gustong sumigaw, marinig ng kahit na sino
Gustong makalaya sa kalagayang ito

Naranasan mo na bang mag-isa sa lahat ng bagay?
Na wala kang kasama’t nag iisa lamang sa buhay
Kaya’t nag mumuni-muni, nag iisip, ngumangawa
Nagtatago sa lugar na pinag kaitan ng tuwa

Naranasan mo na bang magtiwala?
Magtiwala sa mga taong akala mo’y katiwa-tiwala
Yung tipong sinabi mo na lahat sa kanya
Ngunit yun pala’y sinabi na rin niya lahat sa barkada

E yung masaktan dahil sa mga balita, naranasan mo na?
Mga bagay na lumilipad, kumakalat kung saan
Mga balitang nakakasakit ng sobra
Mga balitang tsismis lang lahat

Pero dahil nga sa ika’y nag iisa’t sila'y sama-sama
Sarili na nga lang ang kasama mo sa hirap at ginhawa
Di mo maipaglaban ang pangalan mong nasira
Di mo maayos kaya’t umiiyak ka na lamang

Naranasan mo na ba ang di matanggap?
Dahil sa taglay mong itsura’t  kaanyuan
Panget ka nga raw kasi’t hukluban
Kaya’t di ka makakasapi sa kanila’t makakasama
Sa grupo nilang tinatangi ng lahat, mapa-sino ka man

Naranasan mo na bang mapigilan sa pagsasalita?
Pinigilan dahil hindi na kailangan?
Pinigilan dahil ganun parin naman
Walang makikinig, gagawin ka lang laruan

Yung pakiramdam mo di mo na kaya?
Yung pakiramdam na punong puno ka na sa drama ng buhay
Di na makasabay sa agos ng problema
At tila araw-araw na lamang nadadagdagan, naiimbak sa tuwina

Eh ang magmahal ng lubos pero tinalikuran ka lang, naramdaman mo na?
Ginawa mo siyang mundo higit kanino man
Panag laanan mo ng iyong lakas, pansin at lahat lahat
Ngunit sa huli, iiwan ka lang palang luhaan

Naranasan mo na ba ang pait na dulot ng mundo?
Pait na nalasap mula nung namulat sa katotohanang ito
Katotohanang walang permanente dito
Ang meron lang ay pagbabago

Sa mundong ito, ang sumuko, talo
Sa mundong ito, kung sinong mabait, aawayin ng todo
Sa mundong ito, kahit ikaw yung tama, ikaw parin ang dehado
Sa mundong ito, kapag di ka marunong maki-halubilo
Walang papansin sayo

Maraming pang mga pangyayaring nangyari sa buhay ko
Pangyayaring alam kong naranasan niyo
Pangyayaring negatibo’t malaki ang epekto
Pangayayaring totoong nangyayari sa buhay ng isang tao

Di ko balak na ma trigger kayo
Ang sa akin lang ay maipahayag kung gano kalupit ang mundo
Gano ka mapag laro at brutal ang tadhana sa mga gaya ko
Gaya ng mga taong nasa madilim na kwarto

Kaya para dyan sa mga taong tulad ko
Mga taong natamaan sa problema ng mundo
Nandito lang ako, marami tayo
Kapit lang at wag susuko

Lumaban lang, patatagin ang loob
Sumabay sa ihip ng hangin ngayon
Wag mag iisip na ika’y sumuko
Kaya mo, kakayanin natin to.

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon