Nandito ako ngayon
Sa loob ng aking kwarto
Kwartong madilim at walang tao
Nag iisip kung anong gagawin koProblema ko sa buhay ay nagpatong patong na
Araw-araw ay nadadagdagan pa
Minsan naiiisip ko na lamang
Wakasan ko na kaya ito’t iwanan na?Problemang kay hirap lusutan
Problemang kay hirap lunasan
Problemang sinasarili ko na lamang
Dahil wala na akong masabihanSinabi ko naman kasi sa una kong tula
Tanga at wala na akong pag asa
Yun din naman ang tingin nila
Kaya sige, patutunayan ko naAraw-araw di makatulog ng maganda
Tinitimbang, nag iisip ng dahilan kung bakit ba
Bakit ba sila ay galit sakin ng sobra
May ginawa ba akong mali sa kanila?Gabi-gabi nagmumuni
Inaalam kung saan nagkamali
Wala naman akong sinabing mali
Pero ganon parin, halungkatin ko man ang nangyariUmiiyak ako kada maaalala
Yung noon na kay saya
Wala pang espiya’t libakera
Lahat nag kakaisa