Tama na

45 9 12
                                    

Oh, ano?
Di ka pa ba nagsasawa?
Sa mga problemang umaapaw, umaawas

Di ka pa ba pagod?
Sa mga pangyayaring dala lamang ay poot

Di ka pa ba napupuno?
Sa mga walang kwentang hatid ng mga tao sa buhay mo

Di pa ba ubos ang mga luha mong lagi nalang umaagos mula sa mga mata mo

Gumising ka na, jusko!
Ikaw lang ang naaapektohan sa lahat ng ito
Yung buhay nila, nagawang ipagpatuloy
Yung sayo? Naka tengga't di umuusog

Lagi kang umiiyak
Kaharap ang mga tala
Kinakausap ang buwan
Habang dinaramdam ang lamig na gumagapos sa iyong katawan

Sa umaga, habang nasa skwela'y
Di nakikinig sa assignatura
Nakatingin lamang sa pisara
Naka lutang, parang natutulog habang bukas ang mga mata

Hapon, kahit nasa trabaho
Nagmumukmok lamang sa sulok
Di kumakausap ng kahit na sino
Di na nagagampanan ang trabaho ng maayos

Sa gabi, habang nasa kwarto
Paulit ulit lamang ang ginagawa mo
Pinapaniwala mo sa kasinungalingan ang sarili mo
Na lahat ng ito ay maaayos
Kung di man ngayon ay baka sa susunod

Lagi mo nalang sinasabi na bahala na
Bahala na kung anong iisipin nila
Bahala na kung ganun ka kasama sa paningin nila
Bahala na'tong sakit at hapdi na nadarama
Bahala na, bahala na

Pero kada sinasambit mo ang mga katagang yan
May kirot paring nananalaytay sa iyong kaibuturan
Parang ang nangyayari lamang ay
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang drama

Pwede ba, tama na?
Tama na ang maging tanga
Tama na ang pagbubulagbulagan sa mga bagay na mas klaro pa sa bukang liwayway
Tama na ang pagiging manhid sa nararamdaman
Tama na ang pagiging gaga sa larangan ng pagkakaibigan at pag iibigan

Tama na ang kagaguhan na iyong naranasan
Tama na ang pagiging martir sa katotohanan
Tama nang umasa at kumapit sa mga bagay na ngayon ay sira na
Tama na ang pighating nadarama
Tama na ang pagtitiwala sa mga kalokohang itinatak mo sa iyong utak
Tama na

Tama na
Dahil kahit anong gawin mo
Di mo na mababago pa

Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?
Ilang balde na ba ang iniyak mo?
Ilang ulit ba nanikip ang dibdib mo habang binabasa ang lahat lahat ng sinabi nila sayo?
Ilang beses ka bang di maka hinga at tanging hagulgol na lamang ang naririnig mo?
Ilang araw ka bang nagkasakit ng dahil dito?
Ilang hilo ba ang naranasan mo?
Ilang araw ka bang wala sa klase niyo?
Ilang beses mo na ba pinabayaan ang sarili mo?

Pakiusap naman
Makinig ka
Tama na
Itigil mo na
Lahat ng ito'y di na maganda

Wag mong isipin na ikaw ay nag iisa
Nandito naman ako
Mga kaibigan at kamag-anak mo
Handa kaming dumamay sayo

Wag mong sarilihin lahat ng problema mo
Wag mong hayaan na kainin ka ng poot at pagkalungkot
Kausapin mo ako
Handa akong makinig sayo

Kahit di matulog ay gagawin ko
Marinig at damayan ka lang sa lahat ng ito
Higit sa lahat, tandaan mo
Nandito ang Panginoon
Handang umagapay at nagmamahal sayo

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon