Nakita kita
Sa madilim na kwartong puno ng alak
Sa kwartong puno ng usok
At mga nagsasayawang ilawMga taong lango sa sensayon na hatid ng musikang nasa alapaap
Umupo ka
Tinawag ang serbidora
Humingi ka ng alak
Alak na matapang at nakakalimot nang pansamantalaAlam ko, may problema ka
Problemang di mo alam kung pano aagapan
Problemang nararanasan lamang ng mga taong nagbibigay ng totong pagmamahalProblemado ka dahil sa pag-ibig
Oo, Pag-ibig
Yan yung nararamdaman mo
Na nakaka sakit ng utak at puso
Nakakawala ng katinuan at pagkataoPinoproblema mo yung taong yun
Yung taong di naniwala sayo
Yung taong di mo ramdam ang pagmamahal sayo
Yung taong ni tawag ay di magawa sayo
Yung taong nagdulot ng pait sa iyong mundoAt alam ko
Sa sarili ko
Na ako
Ang taong yun
Patawad, mahal ko