Chapter 2 - Heartaches

1K 33 4
                                    

Lhexine Yvonne Alonzo's POV

Ohmygosh! Kung pwede lang sumigaw sa kilig dito eh. Si Aian pala ang nakabangga ko at tumulong saakin para tumayo. Grabe, nahawakan ko ang kamay niya. Kay tagal kong hinintay na mahawakan ko ang kamay niya!!

"Sorry. Hindi kasi ako tumitingin eh." wika ko ulet pagkatapos kong magpasalamat at matulala. Buti hindi naman niya napansin na natulala ako kanina kundi mahahalata ako. Hindi pa kasi alam ni Aian na may gusto ako sakaniya. Pero si Maddie 'ata' alam na niya? Hindi ako sure. Minsan kasi hindi ako pinapansin ni Maddie. Sabagay, hindi kami close.

"Ah, ayos lang yun." sagot niya at ngumiti pa saakin. Oxygen please! OA na kung OA pero for the first time in the history! Nahawakan ko ang kamay niya, ngumiti siya saakin, kinausap niya ako. Gosh!

"Ah, eh. Sige, pila na ako baka naghihintay saakin si Sab eh." tumango nalang siya. Ako, naman pumili na at bumili ng pagkain.

"Sab! Gosh!" salubong ko kay Sab ng makabalik na ako sa pwesto namin.

"Walang hiya ka naman Lhexine. Papatayin mo ako sa gulat eh." wika niya. Umupo ako sa tapat niya at nagpeace nalang.

"Alam mo kase--"

"Oo, nakita ko yun. At pwede ba hinahan mo ang boses mo baka marinig ka nila Aian."

"Ha?"

"Hindi mo ba napansin na nasa likod mo lang sila Aian?" tumingin ako sa likod ko at tama nga si Sab. Nasa likod ko lang ang pwesto nila Aian at barkada niya. Bakit hindi ko napansin? Tsk. Excited kasi ako magkwekwento kay Sab eh! Nakita naman pala niya. -_-

"Ay, oo nga. Hahaha. Ang epic ko."

"Lagi naman. Hahaha. Joke lang. Hay nako. Kumain nalang tayo." sagot ni Sab. Tumango nalang ako. Kumain nalang kami ng tahimik.

"Oh, Aian. Kamusta naman kayo ni Maddie?" hindi ko maiwasan makinig sa usapan nina Aian at ng barkada niya. Tumingin ako kay Sab pero busy siya sa phone niya habang kumakain siya.

"Ayos lang naman kami." rinig kong sagot ni Aian.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo?"

"Anong hindi? Kami na. Kanina lang." masayang sagot ni Aian. Napabitaw ako sa hawak kong sandwich. Sila na ni Maddie?! :O

"Oh, Lhexine. Bakit?" tanong ni Sab. Tiningnan ko lang siya. Pilit akong ngumiti para malaman niyang okay ako at para pigilan ang mga luha kong pumatak.

Tumayo ako. At hinila na si Sab palabas ng cafeteria.

"Sab. C.R lang ako. Mauna ka na sa classroom. Susunod nalang ako." wika ko sakaniya. Ayoko magpasama sakaniya. Baka makita niya pang iiyak ako. Tumango nalang si Sab.

Tumakbo na ako papunta sa C.R. Buti at walang tao. Pumasok ako sa isang cubicle at doon ko nilabas lahat ng luha ko kanina ko pa pinipigilan.

Kaya pala ang saya saya ni Aian kanina nakikita ko sa mga mata niya dahil sila na pala ni Maddie.

Crush ko lang naman si Aian eh! Pero bakit ako umiiyak ng ganito? Alam ko naman sa umpisa palang wala na ako pag-asa sakaniya pero nag-try pa rin ako. Simula 1st year ako, sinikap kong makasali sa mga rank at maging player din ng school para lang mapansin niya ako pero lahat yun hindi man lang niya napansin.

"Lhexine. Lumabas ka diyan. Alam ko na." rinig kong boses ng best friend kong si Sab.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at doon nakita si Sab na nakatayo sa harap ng pintuan. Hindi ako nagsalita at niyakap ko nalang siya. Niyakap niya ako pabalik at hinimas himas ang likod ko.

"Iyak mo lang lahat yan. Mawawala din ang sakit na nararamdaman mo ngayon." wika niya. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sakaniya. Makapal naman ang tela ng uniform namin kaya hindi iyon mababasa.

Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. Baka kasi may makakita pa saamin.

"Sorry Sab ha? Kailangan ko lang kasi ilabas lahat ng sakit."

"Wala yun. Basta, hayaan mo nalang sila. May mahahanap ka pa diyan." sagot niya. Tumango nalang ako at inayos na ang itsura ko sa salamin.

Lucky ako na isang Sabrina Ellaine Keller ay best friend ko. Laging siyang nandiyan para saakin. Sinusuportahan ako kapag tama ang ginagawa ko, pinipigilan naman ako kapag mali na ang ginagawa ko. Never niya ako iniwanan. Kaya mahal na mahal ko siya. Di baleng wala akong Aian basta may best friend ako at yun ay si Sab.

Minsan kasi, hindi lovelife ang kailangan mo para sumaya. Si God, pamilya at kaibigan mo lang sapat na para sumaya ka. Sila ang tunay na nagmamahal sa'yo.

May narealize ako.. Hindi para saakin si Aian. Alam kong meron pang para saakin.

But now.. I have to enjoy my life. May mga tao pa naman na nagmamahal saakin.

And sooner or later my heartaches will fade away..

The Transferee StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon