Lhexine Yvonne Alonzo's POV
Enebeyen. Mali ang napuntuhan kong classroom. Buti nalang sinabi ng kaklase ko. Ugh. First day na first day, malas ako kaagad. -_-
Ako nga pala si Lhexine Yvonne Alonzo. Anak ng aking mga magulang. Nakatira sa Earth. Hahaha! Okay, corny ako masyado. (_ _")
Ehem. Eto na aayusin ko na. 4th year highschool na ako. 15 years old. Maganda ako no. Kahit tanong mo pa sa magulang ko. Friendly din ako. Mabait sa mabait. B*tch sa b*tch. Well, kung nakikipagplastikan ka lang saakin, buti ng wag mo na ako kaibiganin. Baka ihagis kita sa ilog pasig, don't worry lulutang ka. Swear. Okay, enough.
Pumasok na ako sa classroom namin. Tsktsk. Ka-aga aga ang lilikot ng mga kaklase ko at ang iinggay. Ugh. Parang nasa palangke naman sila. -_-
Madami pa naman bakante, ayoko naman sa unahan o dulo. Kaya gitna nalang.
"Lhexine! Dito nalang tayo!" sigaw ng best friend ko. Andito na pala siya. Hindi man lang ako tinext ng gaga. Haha, joke. Siya si Sabrina Ellaine Keller. Mula ata sinilang kami dito sa mundo magkaibigan na kami.
Maganda naman ang napili ni Sab kaya dun nalang ako sa tabi niya.
"Andito ka na pala. Hindi mo man lang ako tinext."
"Gaga ka talaga no? Wala akong load. Chaka sayang pera, wala naman akong katext eh."
"Okay, fine. Tara sa cafeteria. Nagugutom ako."
"Oh, talaga lang ha? Baka naman gusto mo lang makita ang aking dearest cousin." sagot niya. Tumayo na kami at lumabas ng classroom. Hindi naman talaga ako gutom. Gusto ko lang makita si Aian Rafael Keller, ang long time crush ko na pinsan ng magaling kong best friend na ayaw ako ilakad sa pinsan niya. -_-
"Gusto ko lang siya makita. Alam mo Sab, tulong tulong din pag may time!"
"Duh, may nililigawan na kaya si Aian. Kaya stop dreaming Lhexine. Iba nalang kasi. May transferee tayong classmate. Ilalakad kita doon, promise!!"
"Nililigawan palang naman ha. Hindi pa sila. So, may pag-asa pa ako. Duh, sayo na. Ayoko ng iba." sagot ko at umupo sa mga upuan sa cafeteria. Mula dito tanaw na tanaw ko si Aian. Gosh, ang gwapo. Matagal ko din siyang hindi nakita.
"Ipush mo pa yan Lhexine."
"Talagang ipupush ko 'to. Kaya ikaw, tumulong ka naman."
"Ayoko nga. Doon ka nalang kasi dun sa transferee."
"Bakit ba pinagpipilitan mo ako dun sa transferee?"
"Well, gwapo naman yun at mukhang mabait. Baka yun na ang soulmate mo."
"Soulmate? Si Aian lang yun." sagot ko. Napako naman ang tingin ko sa lalakeng papasok ng cafeteria. Actually, tatlo sila. Pero sa gitna napako ang tingin ko.
"Kita mo yung kasama nina Dustin at Patrick? Siya yung transferee." tumango tango nalang kay Sab. So, siya pala ang transferee. Infairness, gwapo nga. Pero mukhang suplado eh. (_ _")
"Gwapo nga pero parang suplado naman siya."
"Tsk. Malay mo naman, sa mukha lang pero kapag nakilala mo siya mabait naman siguro." nagkabit balikat nalang ako sakaniya.
Nagstay pa kami ng sa cafeteria. Nagkwentuhan tungkol sa bakasyon namin. Kung saan kami napadpad at kung ano mga ginawa namin.
Nung nagring na ang bell ay pumunta na kami sa aming classroom. Buti wala pa ang guro namin. Kundi, late kami. Nakita kong nasa loob na rin yung sinasabing transferee ni Sab.
"Good morning Sir Jeydon Ignacio." bati namin nang dumating na ang magiging adviser namin. Oo, sir. Lalake siya pero ang bait niyan. Promise! Naging teacher ko na kasi siya nung 1st year ako.
Binati rin kami ni Sir Jeydon. Una ay nagcheck siya ng attendance pagkatapos ay sitting arrangement. Kainis naman hindi kami magkatabi ni Sab. -_- May isang tao nasa gitna namin at yun ay si Patrick. Tsk.
Nasa harapan naman ni Patrick si Dustin tapos sa likod ni Patrick yung transferee. Parang hindi nga nagsasalita yung transferee eh.
"I'm Dustin Adrian Sabellon." kasalukuyan ng nagpapakilala isa isa saamin.
"I'm Lhexine Yvonne Alonzo."
"Hey guys, remember me? Patrick Earl Medina is the name."
"I'm Sabrina Ellaine Keller."
"Kent Joshua Montejo." simpleng wika nung transferee at umupo na. Ay, wow. Nagsasalita pala siya? Akala ko pipi. -_- Pero ang astig ng name niya. Pero mas astig pa rin yung kay Aian KO! Oo, KO! Hahaha.
(A/N: Hindi lang sila lima. Main characters lang binanggit kong name. Hehe.)
Ang saya saya namin ngayon! Kasi free time na. Binigyan kami ng free time ni Sir Jeydon bago kami magrecess dahil first day palang naman daw.
"Lhexine, tara sa C.R" yaya ni Sab saakin. Tumango nalang ako. Pustahan tayo, magsasalamin lang si Sab si C.R. (_ _") Hahaha.
"President! C.R lang kami ni Sab!" sigaw ko. Tumango lang naman si Ayla, ang president namin. Nagboto na rin kami ng class officers. Masaklap dahil vice president ako. At alam niyo ba, muse si Sab. Oh, diba ang haba ng hair ng lola niyo? Hahaha.
"Alam mo Sab, akala ko pipi si Kent ba yun? Hindi kasi nagsasalita kanina eh." wika ko kay Sab habang naglalakad kami papuntang C.R
"Yeah, Kent nga. Oo nga eh. Hahaha." nagtawanan kaming dalawa hanggang nakarating kami sa C.R. Malas naman talaga ang araw ko ngayon oh. -_-
Pagpasok namin sa C.R ni Sab ay nakita ko si Maddie Jane Cruz, siya ang nililigawan ng ultimate crush ko na si Aian. Ka-year level ko lang siya at si Aian pero magka-iba kami ng section. Kami ang star section ni Sab samantalang 2nd section sila Maddie at Aian. Oo, magkaklase sila. Kainis nga eh.
"Hi." masayang bati ni Maddie saamin. Ngumiti lang naman kami ni Sab sakaniya. Naglakad na siya palabas ng banyo kasama ang isa niyang kaibigan na babae.
"Omg. Tingin mo Sab, nakikipagplastikan lang saakin yung Maddie na yun?" tanong ko kay Sab nung kami nalang ang tao sa C.R. Nagkabit balikat lang naman si Sab na nakatingin sa salamin. Oh, diba magsasalamin lang siya. -_- XD
Nung tapos na magsalamin ang aking dakilang best friend ay lumabas na kami sa C.R
Pagkabalik namin sa classroom. As usual, mainggay at magulo. Kasama na dun sila Patrick, Dustin at Kent?! :O Masaya silang nagkwekwentuhan. Si Dustin nasa upuan ni Sab at si Kent nasa upuan ko.
"Ehem." kunwareng ubo ko nung nakalapit na kami sakanila, hindi kasi nila napansin na dumating na kami ni Sab.
"Bakit?" tanong ni Kent saakin. Wow ha, hindi ba niya alam na upuan ko ang inuupuan niya.
"Fyi, upuan ko ang inuupuan mo. Will you stand there para maka-upo na ako." sagot ko. Tumayo naman siya ganun din si Dustin kaya umupo na kami ni Sab.
"Sungit." bulong ni Kent bago umupo sa likod ni Patrick. Bulong bulong pa siya, eh narinig ko naman! Like duh. -_-
Hindi ko nalang siya pinansin. How dare he call me, sungit?! We're not close! Tanggap ko pa kung si Sab, Patrick o Dustin ang magsasabi nun eh! Pero si Kent na transferee palang? Grr. Tama nga ako, suplado siya! -_-
Recess. Yey. Favorite subject ni Sab. Hahaha joke. Dahil nga gutom na gutom na akdn. Hinila ko na siya palabas ng classroom. Hindi na nagreklamo si Sab. I'm sure, gutom na rin siya.
Padabog akong naglakad papuntang sa linya sa cafeteria. Lumingon ako muli kay Sab na sitting pretty lang sa isang upuan na may table sa cafeteria. Minasama ko naman siya ng tingin, nagbelat lang naman ang best friend ko. Tsk.
Pasalamat siya at pumayag ako. Eh, paano libre naman kasi niya. Hahaha. Ang hirap kayang tangihan ang libre--
"Aray." iritang wika ko. Sa dahil nga nakatalikod ako habang naglalakad hindi ko napansin may nabangga ako at napa-upo ako sa lakas ng impact.
May naglahad ng kamay saakin. Kinuha ko naman iyon. Salamat naman at tinulangan ako ng nakabangga ko.
"Salamat--" napatulala nalang ako nung nakita ko kung sino ang nakabangga ko. :O
--
Leave your comments and please vote. Thankyouuu! :*
- agentpink1529 . xx
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Novela JuvenilNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O