Dedicated to AndreaCastaneda6. Thank you sa votes mo! :*
--
Lhexine Yvonne Alonzo's POV
Maiyak-iyak ako habang sinasara ang laptop ko. Namatay na kasi ang laptop ko at ako ako ang pumatay. Huhuhu. T_T
Okay, corny nanaman ako. -_- Pero, ang totoo malungkot kong sinara ang laptop ko. Kakatapos ko lang kasi makipagskype kina Sab, Aian at Maddie.
Nasa States ngayon sina Sab at Aian samantalang nasa Canada naman si Maddie doon sila magpapasko at bagong taon.
Christmas Eve na ngayon. Nasa kwarto ko ako ngayon. Hindi sa bahay namin ni Sab kundi sa bahay ng family ko. Umuwi na kasi sina mama, papa at kapatid kong si Laurence. Dito napagdesisyunan nila papa na magpasko at magbagong taon. Uuwi lang ulet sila sa States pagkatapos ng christmas break.
"Ate! Baba ka na daw! Andito na ang family ng childhood friend ni papa!" sigaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto ko.
"Oo, sige! Susunod na ako!" sigaw ko pabalik. Hindi lang kaming apat ang maghihintay sa pasko kasama din ang family ng childhood friend ni papa.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Laking gulat ko ng makita ko ang family na tinutukoy ni papa na kasama namin.
"Hi ate Lhexine! I miss you!" masayang wika ni Kendra at niyakap ako. Oo, tama kayo. Ang family nila Kent ang nandito. Nanlaki nga din ang mga mata ni Kent ng makita niya ako.
"Hey Kendra. I miss you too." sagot ko. Kumalas naman siya sa pagkayakap saakin.
"You know that girl, ate?" tanong ni Laurence habang tinuturo pa si Kendra.
"Yes, of course."
"Oh, okay. Then, you! You look familiar!" wika ni Laurence at tinuro naman si Kent.
"He's my ex suitor, Laurence. Of course, he's look familiar to you 'cause you saw him once in skype." sagot ko. Pinakilala ko na kasi dati si Kent kina mama, papa at Laurence.
"Oh. I remember him. Hey kuya Kent!" masayang wika niya at nag-apir sila ni Kent. (_ _)
Nakangiti lang ang mga magulang namin habang pinagmamasdan kaming apat.
Nagsimula ng magluto sa kusina sila mama at tita Carla. Wala kasi kaming maid ngayon. Nagbakasyon muna sila para naman makasama ang pamilya nila ngayong pasko.
Sila papa at tito Henry naman masayang nagkwekwentuhan sa sofa. Ang saya nga nila nang malaman na nililigawan daw ako ni Kent. Pilit kong sinasagot na dati lang pero ayaw nila ako paniwalaan. Kaya nanahimik nalang ako. -_-
"Tulala ka 'dyan Lhexine?" tanong ni Kent na nakatayo pa rin sa tabi ko. Wala na dito sa sala sina Laurence at Kendra. Nasaan yung dalawa?
"Ah, wala lang. Nasaan sila Laurence at Kendra?"
"Nasa garden. Maglalaro ata ng racing sa cellphone nila."
"Ah. Tara, puntahan natin." wika ko. Hindi pa ako nakakahakbang ng hilain niya ako paakyat.
"Oy. Bakit tayo 'diyan pupunta? Hindi naman 'diyan ang garden namin eh."
"Alam ko. Sa kwarto mo tayo pupunta."
"Ha? Ano naman gagawin natin sa kwarto ko?"
"Basta." sagot niya. Omg. Pilit kong binabawi ang kamay ko sakaniya pero ayaw niyang bitawan. Nakarating na kami sa tapat ng kwarto ko pero mahigpit pa rin ang pagkahawak niya sa kamay ko.
Sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko with his free hand.
"Mag-eenjoy ka, promise." bulong niya. Nanlaki naman mata ko 'doon. Anong ibig sabihin niya doon?
Binuksan niya ang pinto ko at pumasok kami sa kwarto ko. Nilock niya ang pinto. Gosh! Ano ba gagawin namin dito at kailangan i-lock niya?!
Inalis na niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Sumigaw ako ng "TULONG!" pagka-alis ng kamay niya.
Pero bigla niya ako binuhat at nilapag ako sa kama. Nasa ibabaw ko ngayon si Kent. Anong balak niyang gawin saakin?! Sinusubukan ko siya itulak pero sadyang mas malakas siya saakin.
"Kent. Umalis ka na 'diyan." naiiyak na ako dito. Umalis na siya sa ibabaw ko at tumabi saakin.
Tumawa naman siya sa tabi ko habang ako dito umiiyak na.
"Hahaha. Sarap mo talaga pagtripan Lhexine. Hahaha."
"Tsk. Hindi nakakatuwa ang ginawa mo Kent." seryosong wika ko. Umupo ako sa kama at pinunasan ang luha ko.
Umiinit ang dugo ko kay Kent. How dare he joke like that?! Grr. Kung pagtitripan lang niya sana ako, dapat hindi nalang ganun. Tsktsk.
"Oy. Lhexine. Nangtritrip lang ako kanina. Sorry na." wika niya pero hindi ko siya pinansin at tumayo. Hahakbang na sana ako paalis ng may yumakap sa bewang ko.
"Sorry kung napa-iyak kita. Hindi ko naman gagawin sa'yo yun. May respeto ako sa'yo."
"Sana naisip mong hindi nakakatuwa ang ginawa mo." iritang wika ko at pilit tinatanggal ang dalawa niyang kamay na nakayakap sa bewang ko.
"Sorry na, kung nagalit ka. Hindi naman sinasadya." kinanta niya ng konti ang kantang Sorry Na by Parokya ni Edgar. Hindi ako sumagot sakaniya.
"Lhexine. I'm really sorry. Hindi ko na uulitin."
"Dapat lang na 'wag mo ng ulitin."
"Opo. I promise. Pero pagkatapos ng kasal natin.." natatawang wika niya. Ginawa ko ang lahat para matanggal ang dalawang kamay niya sa pagkayakap saakin at hinarap siya.
"Kasal natin?! Baliw ka talaga Kent. Kasal niyo ni Xena ang sabihin mo." sagot ko. Kahit na masakit saakin na sabihin kong kasal nila ni Xena, eh yun naman ang totoo eh. Truth hurts nga eh.
"Hindi mangyayare yun Lhexine." seryosong wika niya at tumayo. Bali, magkaharap kami ngayon.
"Ha? Bakit naman?"
"Dahil hindi siya ang tunay kong mahal, Lhexine. Ikaw ang tunay na tinitibok ng puso ko." seryoso pa ring wika niya at nakatingin ng diretso sa mata ko.
"Pe-pero diba iniwan mo ako dahil mas mahal mo siya kaysa saakin?"
"Tanga ako Lhexine. Akala ko si Xena pa rin. Pero nung nawala ka saakin dun ko lang narealized na move on na ako kay Xena at ikaw talaga Lhexine ang mahal ko." hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Nakatingin lang ako sakaniya.
"Nagselos ako sa'inyo ni Aian kahit na alam kong sila ni Maddie. Possible na mafall siya sa'yo. At akala ko nakapagmove on ka na saakin. Nandoon ako nung pinagkanta ka niya nung birthday mo. Kahit nasasaktan ako hindi ako umalis doon hanggang matapos na kumanta si Aian. Pero mas nasaktan na ako nung yinakap ka niya, umalis na ako nun. Kung hindi lang ako tanga, edi sana ako ang gumawa ng ginawa lahat sa'yo ni Aian."
"Pero that day din, kinausap ako ni Aian ang sabi niya mag best friend lang daw kayo. Na wag daw ako magalit sakaniya. Pinapasaya ka lang niya dahil sinaktan kita. Napayuko nalang ako nun. Pero nabuhayan ako ng loob, nung sinabi niyang mahal mo pa rin ako. Totoo ba?" hindi ko naiwasang maiyak sa mga sinabi ni Kent. Hindi ko alam nasasaktan pala kami ng pareho.
"Pasensiya ka na Kent, hindi ko naman alam na nasasaktan ka din pala." sagot ko at yumuko nalang pero inangat niya ang baba ko at pinunasan ang luha ko.
Nakita kong umiiyak din siya, "Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasaktan." hindi ako makasagot sakaniya dahil patuloy pa rin umaagos ang luha ko.
Lumuhod siya bigla, "Lhexine, kung mahal mo pa ako. Please give me one chance."
"Yes Kent. I will give you another chance." sagot ko. Tumayo naman siya at yinakap ako.
"Thank you Lhexine. Hindi ko sasayangin ang binigay mong chance."
--
VOTE & COMMENT. :)
FOLLOW ME. :)
Nga pala, 2 chapters left nalang ang The Transferee Student.
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Teen FictionNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O