Chapter 3 - Starting

902 53 0
                                    

Lhexine Yvonne Alonzo's POV

Alam niyo bang second day na namin pero nagpapakilala pa kami sa mga bago naming teacher. Hayyy.

Tulad ngayon, nagsusulat kami sa papel ng pangalan. Hindi pa daw kasi memorize ng teacher namin sa TLE mga pangalan namin. -_-

"Nga pala, lagyan niyo ng pangalan din ng crush niyo. Pero dito lang sa classroom." wika ni Ma'am Hanna. What?! Crush dito sa classroom? Eh, wala naman akong crush dito eh.

"Ma'am, wala naman po akong crush dito eh. Celebrity nalang." wika ko. Okay pa kung artista nalang eh. Si Daniel Padilla ilalagay ko nun.

"Hindi pwede. Dapat kaklase niyo lang. May plus grade yung merong sinulat diyan." sagot ni Ma'am Hanna. Psh. Wala naman gwapo dito sa room eh! Hahaha, joke.

"Oo nga Ma'am. Celebrity nalang." wika din ni Kent. Aba, may kakampi naman pala ako eh.

"Hindi nga pwede."

"Alam mo, ikaw Lhexine. Isulat mo nalang diyan si Kent tapos naman ikaw Kent, si Lhexine isulat mo diyan. Edi, tapos ang problema niyong dalawa." biglang wika ni Patrick. Dahil nga katabi ko siya binatukan ko siya.

"Nice suggestion, Patrick." wika ko in sarcastic tone. Magbibigay na nga lang ng suggestion yung hindi pa katanggap tanggap. -_-

"Oo nga. Tama si Patrick." wika ni Dustin. Pinukaw ko naman siya ng masamang tingin.

Nanahimik nalang ako at si Kent. Lahat ba naman ng kaklase naki-tukso na. At pati ang best friend ko. (_ _")

Sa huli ay wala akong sinulat sa pangalan ng crush ko. Tsk.

Lunch. Habang naglalakad kami ni Sab papuntang cafeteria, nang-aasar siya. Bagay daw kami ni Kent, siya na daw yung soulmate ko, etc. Actually, kanina pa siyang recess na nang-aasar. Hindi ko lang pinapansin.

"Oy Lhexine. Hindi mo talaga type si Kent?" tanong ni Sab habang kumakain kami. Minasama ko naman siya ng tingin. "Uso kasi sumagot." wika niya ulet.

"Hindi." simpleng sagot ko.

"Osige. Ganito, magdeal tayo. Kapag si Kent naging crush mo. Ililibre mo ako for 1week."

"Deal."

"Ready your money, best friend." wika niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. -_- Baliw talaga 'tong best friend ko.

Nagpatuloy na kami sa pagkain namin at masayang nagkwentuhan.

Nawala ang ngiti ko ng pumasok sila Aian at Maddie sa cafeteria. Sobrang saya nila habang magkahawak ng kamay. Ugh.

"Kung masama na ang view mo dito. Tara na." wika ni Sab pagkatapos niyang tingnan din sila Aian at Maddie. Tumango nalang ako kay Sab.

Umakbay saakin si Sab at nakangiti kami naglakad palabas ng cafeteria. I admit it, nasasaktan pa rin ako.

Nang makarating kami sa tapat ng classroom namin. Nakita namin ni Sab sina Kent, Patrick at Dustin na masayang nagkwekwentuhan. Pansin ko lang, lagi silang masaya. Ano kaya pinag-uusapan nila? (_ _")

"Oh, sila Kent yun diba?" tanong saakin ni Sab. Kasama ko siya ngayon dito sa park ng subdivision kung saan kami nakatira. After class, nagbihis lang kami at pumunta na dito.

"Oo ata." sagot ko ng makita kung sino yung tinuro niya. Nakita ko sila Kent, Patrick at Dustin na nagbi-bike. Taga dito din ba si Kent?

Tumigil magbike ang tatlo sa harap namin ni Sab. Naka-upo kami sa isang bench dito sa park ni Sab.

"Dito ka rin pala nakatira Kent?" tanong ni Sab.

"Oo. Actually, kakalipat lang namin dito kahapon." sagot ni Kent. Tumango tango nalang si Sab.

"Oh, tara bike tayo?" yaya ni Patrick.

"Duh, wala kaming bike na dala." sarcastic kong wika. Minasama naman ako ng tingin ni Patrick. Nagbelat nalang ako.

"Ganito. Aangkas ka ni Kent. Ako kay Sab." walang kwentang suggestion ni Dustin. -_- If I know, dumidiskarte lang 'to sa best friend ko.

"Ayoko nga. Sige, kayo nalang. Babuuush!" wika ko at umarte pang pinapaalis sila.

Tumayo sa bike si Kent at pumunta sa direksyon ko, "Ang arte mo Lhexine. Tara na." sabay hila saakin patayo.

"Ano ba, Kent?! Ayoko nga sabi eh!" bulyaw ko sakaniya at pilit kumakawala sa pagkahawak niya sa kamay ko.

"Una na kami, Kent. Sunod nalang kayo." wika ni Dustin. Grabe, ang bilis naman. Angkas na nga niya si Sab. -_- Umalis na sila. So, kami nalang dalawa ni Kent dito.

"Ikaw nalang sumunod. Ayoko." wika ko kay Kent at babalik na sana sa bench. Hindi na rin niya hawak ang kamay ko pero bigla niya akong binuhat. Bridal style. Gosh. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Kent! Ibaba mo nga ako!" bulyaw ko sakaniya. Pinagtinginan na kami ng mga tao dito pero hindi pa din niya ako binababa.

"Ibababa kita kung sasama ka."

"Okay, fine. Sasama na ako." pagalit kong sagot. Binaba naman niya ako.

"Sasama ka naman pala. Papahirapan mo pa ako."

"Eh, sino ba kasi nagsabing buhatin mo ako?!"

"Daming sinasabi. Umupo ka na dito para makasunod tayo sakanila."

Maayos naman ang pagbi-bike ni Kent. Hindi kami nag gewang gewang. Buti naman. Nasundan namin sila Sab, Dustin at Patrick. Kaya ngayon, sabay sabay na kami.

Masaya kami nagkwekwentuhan lima. Madaldal naman pala si Kent eh. Akala ko nung una tahimik lang siya.

Masaya din siyang kasama. Gaya ng sabi ni Sab kahapon, mabait naman pala si Kent kapag nakilala mo na. Mukha kasi siyang suplado eh. Hahaha.

-

So, kamusta ang chapter 3? Okay lang ba? :)

Leave your comments and please vote.

Dedication? Free to comment. :)

Thankyouuu! :*

- agentpink1529 . xx

Follow me, hindi ako snob. :D

The Transferee StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon