Lhexine Yvonne Alonzo's POV
Nagising akong nakahinto na ang sasakyan ni Kent. Tumingin ako sakaniya at nakatingin din siya saakin.
"Andito na ba tayo?" tanong ko habang inaayos ang medyong nagulong buhok ko.
"Oo."
"Kanina pa ba tayo nandito?"
"Hindi naman masyado. Medyo lang."
"Bakit hindi mo ako ginising? Sabi mo gigisingin mo ako."
"Hindi kita ginising dahil baka maabala ko pa ang pinapaganipan mo at yun ay ako." minasama ko ng tingin si Kent. Tumawa lang naman siya.
"Tara na." wika niya. Tinanggal niya ang seat belt niya at lumabas ng kotse niya. Tinanggal ko na din ang seat belt ko. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Kent.
Pagkababa ko. Napa-nga nga ako sa nakikita ko. Nasa tapat kami ng isang napakaganda at malaking bahay tapos may fountain pa sa gitna.
"Wow. Ang ganda naman dito. Kanino bahay ito?"
"Sa lola at lolo ko. Darating sila ngayon from States."
"Ah. Bakit nandito tayo?"
"Ipapakilala kita sa buong angkan ng Montejo." nanlaki naman mata ko doon. Akala ko sa mga magulang lang niya pero sa buong angkan ng Montejo?! Bago pa ako makatakas, hinila na niya ako papasok.
"Ayoko Kent!"
"Ano ba? Nandito na tayo. Aayaw ka pa."
"Eh, hindi mo naman sinabi sa buong angkan pala ng Montejo. Akala ko sa mga magulang mo lang."
"Wag kang mag-alala, konti lang nasa loob. Wala ang ibang Montejo." sagot niya. Nabuksan na niya ang pinto at tuluyan akong hinila papasok.
Gosh! Anong konti sa mga taong nandito?! Ang dami nila at lahat nakatingin saakin ng nakangiti. Nahiya lalo ako kaya nagtago nalang ako sa likod ni Kent.
"You're here." may lumapit na babae saamin. Kahawig siya ni Kendra na kapatid ni Kent. Oo, kilala ko si Kendra. Grade 6 student siya sa pinapasukan naming school.
"Sorry mommy medyo nalate kami." sagot ni Kent. So, eto pala ang mommy niya. Palihim akong sumisilip sakanila.
"It's okay Kent. May you introduce your girl friend." masayang wika ng mommy ni Kent. Grabe, kulang nalang lumabas na puso ko sa sobrang kaba.
"Mommy, Daddy, Kendra, Titas, Titos & cousins. Lhexine Yvonne Alonzo, my girl friend." masayang wika ni Kent at tumabi saakin. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"A-ahm. Go-good afternoon po." wika ko. Gosh, nauutal ako. (_ _") But I managed to smile.
"Hi ija. Ako ang mommy ni Kent. From now on, you'll call me mommy na din."
"Okay po mo-mommy." nahihiyang wika ko. Ngumiti lang saakin si mommy.
"Ako naman ang daddy ni Kent. Nice meeting you. And you can call me daddy."
"Hi po. Nice meeting you din po. Okay po da-daddy." magalang na sagot ko. Kulang nalang lahat ng sasabihin ko dito may 'po', ayoko naman na isipin nilang wala akong respeto.
"Hi ate Lhexine! Remember me? I'm Kendra."
"Hello Kendra. Yes, I remember you." masayang wika ko. Ngumiti nalang saakin si Kendra.
"This is tita Clarisse and tito Llyod." sabay turo ni Kent sa mga pinapakilala niya saakin. "Si tito Llyod ang nakakatandang kapatid ni daddy."
"Next, tita Jenny and tito Bryan." nakangiti lang ako sakanila habang pinapakilala ni Kent ang mga tita at tito niya. "Si tito Bryan ang pangalawang nakakatandang kapatid ni daddy."
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Teen FictionNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O