Chapter 4 - Facebook Chat

897 38 0
                                    

Lhexine Yvonne Alonzo's POV

Nandito ako sa kwarto ko kasama ko si Sab. Pansin niyo bang hindi kami naghihiwalay? Nakatira lang kasi kami sa isang bahay eh.

Mag business partners at mag best friend din ang parents namin ni Sab. Nasa ibang bansa sila. Kaya napagdesisyon nilang sa isang bahay nalang kami ni Sab.

Busy kami tumitingin sa facebook. Kanya kanya kaming laptop. May biglang nag add saakin. Tiningnan ko naman,

Kent Joshua Montejo. So, I click the confirm button.

Ilang segundo lang ay nagchat siya saakin.

K: Hi

M: Hello.

K: Kamusta?

M: Ayos lang. Ikaw?

K: Ayos din.

"Hoy babaita! Sino 'yang kachat mo?" tanong ni Sab. Titingnan niya sana ang screen ng laptop ko ng tinakpan ko ito.

"Si Kent yan no?" tanong ulet ni Sab na may halong pang-aasar. Minasama ko naman siya ng tingin.

"Kyaaahh!" sigaw ni Sab. Muntik na akong mabingi sakaniya.

"Ano ba Sab?! Mabibingi ako sa'yo eh!" bulyaw ko sakaniya. Nagpeace sign lang naman siya.

"So, ano pinag-uusapan niyo? Bakit ayaw mo pakita saakin? Crush ka daw niya? Nililigawan ka na niya? O kayo na?!" sunod sunod na tanong ni Sab.

"Gaga. Hindi naman umamin o nanliligaw. At hindi kami. Nangamusta lang siya." kampante kong sagot.

"Hay nako."

"Hoy Sab! Lumayas ka na nga dito! Matutulog na ako. Maaga pa tayo bukas."

"Duh! If I know kaya pinapalayas mo ako para makapagchat kayo ni Kent."

"Baliw ka talaga Sab."

"Mana sa'yo."

Minasama ko ng tingin ang best friend ko. Idadamay pa ako. Eh, siya lang naman yung baliw saaming dalawa. (_ _") Hahaha.

After niyang mang-asar. Lumayas na din siya sa kwarto ko at pumunta na sa kwarto niya. Sa wakas!

Biglang nagchat ulet si Kent,

K: Seen?

M: Sorry.

K: You busy?

M: No, why?

K: Sineen mo ako eh

M: Nang-aasar kasi si Sab eh. Kaya pinalayas ko dito sa kwarto ko.

K: Ah, lagi tayong ina-asar no?

M: Oo nga eh.

K: Hayaan nalang natin sila. We can be friends, right?

M: Yeah, sure.

K: Nice. Sabay tayo magrecess at lunch? Sama mo din si Sab. Kasama ko naman sila Patrick at Dustin

M: Sige. Sasabihin ko nalang kay Sab.

K: Okay

M: Tulog na ako. Bye.

K: Sige. Good night Lhexine. Sleep well. See you tomorrow

M: Same to you.

K: Okay.

Nag logout na ako. Hayyy, masakit na kasi mata ko. ZzzZzzZzzZzz

"Oh, TA-LA-GA?! Niyaya ka niya na sabay kayo magrecess at lunch?! Ohmygosh!" sigaw ni Sab habang pababa kami sa hagdan. Ang aga aga ang lakas ng boses ng best friend ko. Naka lunok ata ng megaphone sa lakas ng boses eh. -_-

The Transferee StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon