Lhexine Yvonne Alonzo's POV
"Ang sarap talaga ng libre!" masayang wika ni Sab. Hayyy. Buti nalang at last day na ng paglilibre ko sakaniya. Nasa cafeteria kami ngayon, naglu-lunch.
"Sa wakas, last day na ng paglilibre ko ngayon sa'yo."
"Hahaha. Sabi ko naman kasi sa'yo, ready your money eh."
"Unexpected naman kasi eh."
"Ang sabihin mo, matagal mo ng gusto 'yang si Kent. Hindi mo lang agad sinabi saakin kasi nag-iipon ka ng panglibre saakin. Hahaha."
"Gaga. Hindi no. Nitong nakaraang araw ko lang talaga narealized na may nararamdaman naman pala ako kay Kent." sagot ko at sumubo ng ice cream. Ice cream lang ang kakainin ko ngayong lunch dahil may practice kami mamaya ng mga cheerers. Mga 1 week na rin kami nagpapractice.
Tama ang nabasa niyo, may nararamdaman nga ako kay Kent. Ewan ko kung kailan o paano. Basta, nitong mga nakaraang araw ayaw niya mawala sa isip ko. Tapos bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Parang yung naramdaman ko kay Aian dati.
At yung kay Aian? Naka move on na rin ako. Mas masaya kasi ako kay Kent.
"Sus, palusot mo Lhexine. Hahaha, joke. Pero mas maganda na rin narealized mong may nararamdaman ka sakaniya kasi ganun din nararamdaman niya sa'yo. Di tulad nung kay Aian, ikaw lang ang may nararamdaman."
"Oh, ano pinag-uusapan niyo?" biglang may nagsalita sa likod ko. At si Kent yun. Narinig niya ba lahat? Sana wag. Hindi pa niya alam na may gusto ako sakaniya.
Tumayo ako at hinarap si Kent, "Yu-yung practice la-lang namin mamaya." ay sh*t medyo nauutal ako.
"Oo, yun yung pinag-usapan namin." wika ni Sab. Tumango tango nalang si Kent. Thanks to my best friend!
Umupo sa tabi ko si Kent. Umupo naman sa tabi ni Sab sila Patrick at Dustin. Nasa gitna nila si Sab.
Naka-uniform at bagong ligo na yung tatlo. It means, tapos na ang practice nila sa basketball.
"Ice cream for lunch?" tanong ni Kent matapos niyang tingnan yung cup ng ice cream ko.
"A-huh."
"Bakit hindi rice or what?"
"Ayoko nung rice or what. Mabigat sa tiyan. May practice kami mamaya eh."
"Eh, bakit si Sab, nagrice?"
"Gutom ako eh. Chaka libre naman ni Lhexine." sagot ni Sab. Minasama ko naman siya ng tingin. Baka magtaka si Kent.
"Pansin ko nga, lagi mong nililibre si Sab." wika ni Kent. Arg. Napapansin niya pala?
"Well, trip ko lang. Chaka lagi kasi ako nililibre noon ni Sab, bumabawi lang ako."
"Oh, okay. Ayaw mo ba talaga kumain ng rice?"
"Ayoko nga eh."
"Psh. Bahala ka, magugutom ka mamaya."
"Hindi yan. Marami naman akong nakain kaninang recess. Sige na, bumili na kayo ng pagkain niyo. Gutom na sila Patrick at Dustin oh. Hahaha." wika ko. Tumango tango naman sila Patrick at Dustin. Kaya tumayo na sila at bumili ng pagkain.
"Buti naman at hindi niya narinig lahat. Salamat pala Sab." wika ko nung nasigurado kong nasa pila na yung tatlo.
"Wala yun. Kailan mo ba balak sabihin?"
"Kapag handa na ako magka-boy friend ulet." oo, ulet. Bago ko maging crush si Aian may naging boy friend ako nung Grade 6 ako. Ewan ko nga ba't sinagot ko siya ng ganung edad palang. Imagine, 12 years old palang ako nun. Hahaha.
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Teen FictionNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O