Kent Joshua Montejo's POV
"Babe, kailan mo ba balak akong sagutin?" tanong ko kay Lhexine habang nakasandal sa balikat niya at nilalaro ang mga daliri niya. Nasa garden kami ngayon. Kaming dalawa lang ngayon. Pinalayas ko muna mga kaibigan namin.
Nga pala, last week nag back to school na kami pero halos free time naman tulad ngayon. May hang over pa ata mga teacher namin eh? -_- Biruin niyo ba naman, minsan hindi sila pumapasok kaya kami, happy happy lang! Hahaha.
"Bakit mo naman natanong?"
"Well, gusto ko official na akin ka, tapos official na sa'yo ako."
"Hay nako Kent. Kahit wag na."
"Wag?! So, wala kang balak sagutin ako?!"
"Hindi naman sa ganun Ke--"
"Mauna na ako sa classroom." walang emosyon kong sagot at tumayo na. Iniwan ko siya mag-isa doon. Nagtatampo lang ako sakaniya.
Wala pala siyang balak sagutin ako? Hanggang MU nalang ba kami? Ayoko ng ganun! Gusto ko, sagutin na niya ako. Mahal na mahal ko si Lhexine KO! Gusto ko, kami na! Ayoko may umaaligid sakaniya tulad ng mga ibang nanliligaw sakaniya. Siguro kapag kami na, titigil na mga yun.
Nasa tapat na ako ng classroom namin ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat ako ng lagyan ng piring ang mga mata ko. Sila Dustin at Patrick ang gumawa nun.
"Oy. Ano ba 'to?!" reklamo ko. Kasalukuyan nila akong hinihila ngayon. Ewan ko kung saan nila ako balak dalhin.
"Manahimik ka nalang diyan, pre." - Patrick.
"Loko talaga kayo! Ano 'to, trip?!"
"Langya naman Kent. Manahimik ka nalang kasi diyan. Matutuwa ka dito, promise." - Dustin.
"Matutuwa?! Kapag naman hindi ako natuwa dito, lagot kayo!"
"Oo na, pre." - Patrick.
"Tsk."
Paakyat kami sa hagdan ngayon. Sa rooftop ba nila ako balak dalhin?! Ano naman gagawin namin doon?! Tsk! Mga kaibigan ko talaga. -_-
Tumigil na kami sa paglalakad. Inalis na rin nila ang piring.
Napa-nga nga nalang ako sa nakikita ko ngayon. Nasa rooftop kami ngayon pero parang nasa romantic place kami. Sino naman may pakana nito? May secret admirer ba ako? Hala, lagot ako kay Lhexine KO, kapag nalaman niya 'to.
Biglang may naglakad sa harap kong tatlong tao may dala dala silang tag-iisang illustration board.
Hinarap ni Sab ang hawak niya, "Y?" tumango lang naman si Sab. Anong Y? o_O
Sumunod naman si Aian, letter E naman ang nakasulat sa hawak niyang illustration board.
YE?
Ang hawak na illustration board ni Maddie ang kumumpleto. S ang nakalagay sa illustration board na hawak niya.
"YES?" tanong ko. Tumango ang tatlo. Nagtataka ako. Anong YES? Nawala ang pagtataka ko ng sumulpot sa likod ni Aian si Lhexine na nakangiti.
"YES, Babe." masayang wika ni Lhexine. Nagsink in na agad sa utak ko ang ibig niyang sabihin.
Lumapit ako sakaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.
"I'm officially yours, Babe." bulong ni Lhexine saakin.
"Thank you, Babe. Thank you." masayang wika ko. Binuhat ko siya bigla at inikot ikot. Sobrang saya ko na kami na. Sa wakas!
"Nahihilo na ako. Oy." wika ni Lhexine. Agad agad ko naman siya binaba.
"I'm sorry Babe. Sobrang saya ko lang kasi."
"Me too. Psh. Tampo tampo ka pa kanina. Hahaha."
"I thought kasi na wala kang balak sagutin ako." malungkot na wika ko at yumuko.
Inangat naman niya ang baba ko, "Jinojoke lang kita kanina. Siyempre, may balak ako. Kaya nga binigyan kita ng one chance diba?"
"Yeah. Hindi ko agad naisip yun, sorry."
"Hm. Ayos lang."
"I love you Babe."
"I love you too Babe." masayang sagot niya. Linapit ko ng linapit ang mukha ko sakaniya.
Hahalikan ko na sana siya sa lips pero hinarang niya ang kanan na kamay niya sa mukha ko.
"Hep! Hep! Bawal pa."
"Okay. I understand it. I'm sorry." wika ko. Ngumiti nalang siya saakin. Sa noo ko nalang siya hinalikan.
"Sabi ko sa'yo eh, matutuwa ka." natatawang wika ni Dustin.
"Oo nga. Sobra, pre."
"Congrats!" masayang wika nila Sab at Maddie. Ngumiti lang kami ni Lhexine.
May nagtap sa balikat ko, "Kent, ingatan mo si Lhexine ha. Wag mo na ulet siyang sasaktan." wika ni Aian. Tumango lang ako.
"Oh, yeah! Let's party!" sigaw ni Patrick. Binatukan naman naming lahat. "Aray naman! Para saan yun?"
"Anong party ka diyan?! Ulol. May next class pa tayo." sagot ko.
"Speaking of next class. Oy, tara na! Baka malate pa tayo." wika ni Sab. Tumango nalang kami.
Bago kami umalis sa rooftop, nagpasalamat muna si Lhexine KO sa mga tumulong sakaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya sabay takbo! Baka macutting pa kami sa Math!
January 13. She's officially mine! Yes!
--
VOTE & COMMENT. :)
FOLLOW ME. :)
Last chapter na next. God bless!
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Teen FictionNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O