Kent Joshua Montejo's POV
"Yan kasi kuya. Ang tanga mo, iniwan mo pa kasi si ate Lhexine para kay ate Xena. Tsktsk." nagulat naman ako nung marinig ko ang boses ni Kendra na nasa may pinto ng kwarto ko.
Hindi ko lang siya pinansin. Tiningnan ko nalang ulet ang necklace na balak ko iregalo bukas sa birthday ni Lhexine.
"Pero alam mo kuya, matatag na babae si ate Lhexine." hindi ko namalayan nasa tabi ko na ang kapatid ko. Nilagay ko muna sa box ang necklace at hinarap si Kendra.
"Kasi tingnan mo siya, kahit na sinaktan mo siya. Nagagawa niya pa rin ngumiti. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot." nakatingin lang ako kay Kendra habang sinasabi niya yun.
"Lagi ko kasi siya nakikita kuya. Masayang nakikipagkwentuhan kina ate Sab, ate Maddie at kuya Aian pero yung mga mata niya? Malungkot. Ikaw kasi kuya eh! Nakakabwisit ka!" matapos niyang sabihin yun ay pinaghampas hampas niya ako.
"Tama na, Kendra. Masakit." tumigil naman siya. "At kailan ka pa naging stalker ni Lhexine?"
"Mas masakit pa diyan ang naramdaman ni ate Lhexine. Hindi ako stalker niya kuya, lagi ko nga lang siya nakikita. Malamang, pareho kami ng school na pinapasukan. Duh."
"Maka-duh ka naman. Tsk."
"Paki-alam mo ba kuya. May sasabihin pala ako sa'yo." wika niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Ano nanaman trip nitong kapatid ko? (_ _")
"Ano naman yun?"
Yung ngiti niyang pagkatamis tamis ay napalitan ng galit na mukha, "Sira ulo ka kuya! Ihhh, naiinis talaga ako sa'yo! Walang hiya ka talaga! Bwisit ka! Bakit mo pa kasi iniwan at pinagpalit eh!" tapos ay pinaghampas hampas ulet ako.
"Tama na nga Kendra! Bakit ba galit na galit ka saakin?!"
Tumigil siya sa kakahampas saakin, "Sige nga kuya, sabihin mo saakin. Sinong hindi magagalit sa ginawa mo ha?! Eh, kung sa'yo gawin ni ate Lhexine ang ginawa mo? Kung iwanan ka niya tapos si kuya Aian ang dahilan. Hindi ka ba magagalit?!" hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya. Napayuko nalang ako.
"Tama ka nga Kendra. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ko? Ako nga, galit din sa sarili ko eh." malungkot na wika ko. Pinatong naman ni Kendra ang kanan niyang kamay sa balikat ko.
"Sorry kuya, naging OA ata ako. Wag kang mag-alala susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo mabalik lang si ate Lhexine sa'yo. Lakasan mo loob mo bukas ha? Sige na, good night." wika niya. Inangat ko naman ang ulo ko.
"Hindi ka naging OA, Kendra. Sinabi mo lang ang naramdaman mo. Hm. Salamat sa suporta mo. Gagawin ko lahat para lang mabalik saakin si Lhexine. Kahit na mahirapan ako."
"Walang ano man kuya. Tulog na ako ha? Bye." tumango nalang ako sa kapatid ko.
Pagkalabas ni Kendra sa kwarto ko ay humiga na ako para matulog. ZzzZzzZzzZzz
December 13.
Maaga akong nagising. Birthday na ni Lhexine ngayon. Masaya akong bumangon mula sa kama ko at naligo na sa banyo.
Pasayaw sayaw ako habang pababa sa hagdan namin.
"Oh, Kent. Ang saya mo ata?" natatawang wika ni mommy nang makarating ako sa dining area.
"Eh, paano kasi mommy. Birthday ngayon ni ate Lhexine. Hihingi na siya ng tawad at isa pang chance." imbis na ako ang sumagot sa tanong ni mommy ay si Kendra ang sumagot. Umupo naman ako sa tabi niya.
"Ganun ba? Pakisabi, happy birthday. Mabuti naman Kent at gagawin muna yan. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa mo." seryosong wika ni mommy at umupo sa tabi ni daddy.
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Teen FictionNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O