Dedicated to PDCastro, one of my best friends. :')
--
Lhexine Yvonne Alonzo's POV
"Nasaan kaya yung boyfriend mo?" tanong saakin ni Sab. Nilapag namin ang bag namin sa table dito sa may cafeteria, tapos umupo kami sa upuan. Alanga namang sa sahig? -_- Hahaha, joke.
"Ewan ko ba doon. Nauna naman siyang natapos saatin, hindi ko naman siya makita."
"Oo nga. Text mo kaya."
"Hay. Itetext ko nga, hindi naman magrereply."
"Psh. Nako, monthsary niyo pa naman."
"Yeah. Pero parang nakalimutan niya ata." malungkot na wika ko at nilagay ang kanan kong kamay sa baba ko. Bali, nakapatong ang kamay ko sa table.
"What?! Bakit naman?"
"Tingnan mo 'tong eyebugs ko." tiningnan naman niya.
"Oh. Nagpuyat ka? Pinakamemorize mo ata yung nireview mo eh. Hahaha."
"Nope. Puyat ako dahil kakahintay ng reply ng pinakamamahal kong babe."
"Oh, tapos?"
"Natapos ako magreview mga 10 pm tapos naghintay ako hanggang 12 am. Kahit na inaantok na ako, pinipigilan ko. Then, nung nag-12 na. Akala ko, tatawag o magtetext siya pero hindi eh. So, ako na una nagtext. Nag SONA pa nga ako eh! Pero hindi man lang nagreply. Naghintay ako hanggang 3 am pero wala talaga eh."
"Langya 'yan boyfriend mo. Oh, hanggang ngayon hindi tumatawag o text?"
"Waley. Eh, kanina nga pagpasok ko hindi man lang ako pinapansin. Busy nakikipag-usap kina Dustin at Patrick. Psh."
"Hay nako. Hindi ba niya napansin na 13? Duh, sinulat kaya natin kanina yung date sa testpaper natin. As if naman hindi niya alam na 13."
"Korak. Tsk. Kung kailan first monthsary namin chaka siya ganyan. Bwisit." iritang wika ko. Pinitik naman ni Sab ang noo ko.
"Aray ko naman, Sab eh! Bakit mo ginawa yun?!" reklamo ko sakaniya. May nginuso naman siya, sinundan ko kung saan siya naka-nguso.
And there I saw my boyfriend talking with that not so familiar girl. Who's that?!
"Lapitan muna, Lhexine."
Tumayo ako. Ngumiti nalang saakin si Sab. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Nasa may entrance sila ng cafeteria eh, ang saya saya pa nga nilang nagkwekwentuhan.
Nagcling ako sa braso ni Kent. Mukhang nagulat naman sila nung babae.
"Hi Babe. Nandito ka lang pala." malambing na wika ko. Humarap saakin si Kent at ngumiti.
"Hello Babe." sagot niya at pinisil ang ilong ko. Hello babe lang?! Psh. Wala man lang bang 'Happy monthsary Babe, I love you.' Tsktsk.
"Oh, by the way Babe. This is Gianne." masayang wika ng boyfriend KO at tinuro yung Gianne daw. Maganda naman siya. At tingin ko pala-ngiti siya. May dimples pa nga eh.
"Hey Gianne. I'm Lhexine. Kent's girlfriend." pagpapakilala ko sakaniya. Nilahad ko naman ang kamay ko.
"Hi. Nice meeting you." masayang wika niya at nagkamay kami. "You're such a gorgeous lady. Galing talaga pumili ni Kent."
"Ahm, thanks. You too. You're gorgeous."
Ngumiti lang siya saakin at nag-usap na sila ng boyfriend KO na animo'y wala ako dito.
"Bye Kent. Uuwi na kami ni Sab." walang emosyon kong wika. Humarap naman saakin si Kent.
"Okay, Babe. See you tomorrow." sagot niya. Naglakad na ako palayo sakanila nung Gianne na 'yun. Psh.
BINABASA MO ANG
The Transferee Student
Novela JuvenilNaranasan kong masaktan, maiwanan, lokohin, umiyak, kiligin, ngumiti at sumaya ng dahil sa isang Transferee Student? :O