Prologue

3.5K 37 0
                                    

Maximilian was having a hard time fixing his bow tie. Kung bakit pa kasi iyon ang gusto ng kanyang kapatid na si Robert na isuot niya sa kasal nito ngayon.

Ganoon pa man, hindi na niya iginiit pa ritong hindi siya kumportableng magsuot ng kahit anong kurbata, bagkos ay pinagbigyan na lamang niya ang gusto ng kapatid, bilang regalo narin dito.

Bilang panganay sa kanilang magkakapatid, ang nais lamang niyang mangyari ay makamtan ng kanyang mga kapatid mga nais nito mangyari sa kani-kaniyang buhay ng mga ito, kahit siya na lamang ang mapag-iwanan at pumasan sa responsibilidad ng kanilang pamilya, ayos lang sa kanya. Ang prayoridad niya ang kung anong makakapagpagaan sa buhay ng kaniyang pamilya, ganoon siya kaulirang anak at kapatid.

Napangiti siya habang pinagmamasdan si Robert habang nakaupo ito, hindi matigil ang pag-alog ng mga binti, halatang labis ang kaba. Isang oras nalang at magsisimula na ang seremonyas para sa kasal nito. Hindi niya akalaing makikita niya itong ganoon kanerbyos, halos takot ang itsura nito. Pinunasan niya ang noo nito, halos butil-butil na ang pawis.

"Just relax. Hindi tatakbo ang bride mo." Halos natatawang sabi niya sa kapatid, talagang kanina pa itong hindi mapakali. Kinuhanan niya ito ng tubig at agad na ibinigay dito. Halos inisang lahok lang nito iyon, doon na siya tuluyang natawa.

Tinabihan niya ito sa kinauupuan nito at sabay tinapik sa balikat, tanda ng kanyang pagiging masaya para dito. Hindi sapat ang mga salita upang ihayag niya kung gaano siya ka-proud sa kapatid ngayon. Para sa kanya, hindi lang magaling na negosyante ang kapatid, ngayon masasabi niyang mas naging mabuting tao rin dahil sa babaeng pakakasalan nito ngayon. Phoebe truly changed his brother in so many ways.

Maximilian was glad that his brother finally found his match. Natupad na ang pangarap niya para dito. Ngayon, ramdam niya ang saya ng kapatid base narin sa emosyong nakikita niya ngayon rito.

Wala itong best man ngunit naroroon siya upang gampanan ang tungkuling iyon para kay Robert. Magmula sa suot nito, maging pati sa ilang bagay ay sinigurado niyang ayos ang lahat para lang sa kasal nito.

Isang oras ang nakalipas ay dumating na ang bride at nagsimula na ang seremonyas ng kasal at nanatili siya sa tabi ng kapatid at hindi ito iniwan hanggang sa makatabi na nito ang bride nito. Doon lang ito pawang nakalma.

Wala pang isang oras nang matapos ang misa at ianunsiyo na ng simbahang kasal na nga ang kapatid niya sa kanyang hipag ngayon, hindi na niya napigilang magkawala ng luha. Daig pa niya ang kanilang ina sa pagiging emosyonal. Hindi niya akalaing ito pa sa kanilang magpipisan ang unang magpapakasal. May pagka-play boy rin kasi ito minsan.

Maging sa reception ng kasal ni Robert ay naging tahimik parin si Maximilian, halos hindi gaanong umiimik. Hindi parin siya makapaniwalang naikasal na ang nakababatang kapatid niya ngayon.

Hindi man sila madaas magkasundo ni Robert noon pagkat sadyang may bukod tangi itong katigasan ng ulo, mahal na mahal niya ang kapatid at gagawin niya ang lahat para rito at sa ikabubutk niyk. Batid niyang ganoon rin ito sa kanya, sa sarili nitong paraan.

"What, don't tell me you have a thing with your brother's bride?" Laking gulat ni Maximilian nang may magsalita sa kanyang tabi, nilingon niya ito at nakita niyang pinagmamasdan rin nito sina Robert at ang bride nitong nagsasayaw.

"What the hell?" Halos naiirita niyang tanong kay Dominique, isa sa mga pinsan ng pinsan niya.

Isa ito sa mga pamangkin ni Uncle Wilson, ang asawa ng tiyahin niyang si Aunty Liane, ang reyna ng Flademia. Kung tutuusin, extended family ito ng extended family niya. Sa iisang circle lang sila nagmula, katunayan ay ninang pa nila ni Robert ang ina nito.

Flademian Monarchy 7: Maximilian The JustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon