God, she hated Shelley. Ito ang asawa ng kanyang pinsang si Simon, bunsong kapatid ni Kuya Hendrick. Kung hindi lamang kaarawan ng Kuya Hendrick niya ngayon ay baka talagang pinagsabihan niya ang babae tila mala-anghel ang muka ngunit alam niyang may iba namang motibo.
She knew because she was like that. At isa pa, sino ba ito at kailan lang ba ito nakilala ni Simon? Ang rinig niya ay istudyante raw ito ni Simon sa unibersidad at nabuntis daw ito ng pinsan kaya't napilitan itong pakasalan. Ayaw pang maniwala ni Dominique noong una, ngunit ito na ang ibidensiya sa kanyang harapan. Mukhang nabilog at napaniwala na ng babaeng iyon ang kanyang pinsan na ngayon ay mukhang humaling na humaling na sa babae.
Nakukunsumi siya kakaisip. Bahala na si Simon at malaki na ito, siya ay magoobserba lamang hindi nalang mangingialam ngunit huwag nilang asahang itatrato niya nang maayos ang babaeng iyon. Pinagtaasan niya ito ng kilay bago siya umalis sa kanilang puwesto kanina. Talagang naiinis siya dito. Just like that, that girl became a princess through marriage. At pinayagan iyon ng kanyang aunty at uncle! She needed a drink. Agad siyang pumunta bg bar sa upper deck ng yate upang kumuha ng maiinom.
Alam naman niyang hindi dapat siyang mangialam sa personal na buhay ni Simon at sa mga naging desisyon nito ngunit kilala niya ito mula pagkabata. He may be a genius when it comes to academics but goodness, the guy was way more naive than a fifteen-year-old girl when it comes to relationships. Alam niyang kapag dumating ang oras na masasaktan ito, masasaktan ito nang labis.
Kahit madalas niyang binu-bully noon si Simon, may pakialam siya rito at hangga't maaari ay hindi niya hahayaan masaktan ito ng kahit sino. Lalo na ang babaeng iyon na asawa nito ngayon. In her eyes, Simon was that pure. Hindi nito kakayanin sakali ngang masaktan nga ito ng babaeng iyon.
She drink her third glass of whiskey and stayed there for a moment to appreciated the beauty of mediterranean sea. Pagkatapos noon ay tsaka siya bumaba at doon niya nasaksihan ang pagpo-propose ni Kuya Hendrick niya sa nobya nitong si Robyn. Napangiti siya sa magkasintahan. She was glad that her Kuya Hendrick finally found the love of his life.
Hindi na niya kailangang kilalanin pa si Robyn, batid niya ang uri nito ay nababagay lang sa kanyang pinsan. Her Kuya Hendrick's judgement about things was the least apprehensive for her. Hindi ito magdesisyon kung ikasasama ng kahit sino sa kanilang pamilya nito ang magiging resulta noon. Doon niyang nabatid na mainam si Robyn para rito.
Sa hindi kalayuan roon ay nakita niya ang mukhang matagal-tagal narin niyang hindi nakikita. Base sa kanyang nasaksihan ngayun-ngayon lang, hindi parin ito nagbabago. Masyado paring emosyonal si Maximilian para sa kasarian nito. Tila may nangingilid itong luha ngayon, tila maiiyak sa nasaksikang proposal ni Kuya Hendrick kay Robyn.
Nilapitan niya ito upang tanungin ng nakakabwisit na tanong gaya nang nakaugalian niya noon habang lumalaki. Malakas ang loob niya noon kasi palaging nandiyan ang kanyang Kuya Hendrick, lagi siyang pinagtatanggol sa lahat.
Ginagalang kasi nilang itong lahat na magpipinsan. Palibhasa ito ang pinakamatanda, kapag nagsalita na ito ay ito na ang nasusunod. Kumbaga sa police ay ito ang chief, ito ang may awtoridad. Tuloy, walang nakakaganti sa kanya pabalik kapag may ginagawa siyang kalokohan sa sino man sa kanyang pinsan.
She asked Maximilian if she had a thing for Kuya Hendrick's fiancee. Natural ay alam niyang wala, nais niya lang niya itong inisin gaya noon.
Ngunit hindi gaya noon ay madalas lamang siya nitong hindi pinapansin at saka tatalikuran nalang. Biglang nalang nagkararoon ng gatla sa noon nito, tila biglang nagseryoso. Wala itong sinabi ngunit nanatili lamang na nakatingin sa kanya nang diretso. Mukhang napikon yata niya ito.
"Goodness, man. I was just kidding. Parang hindi ka pa sanay sakin." Sabi niya ngunit wala parin itong sinabi, nananatili lamang na nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 7: Maximilian The Just
AcciónBeing the heir to the Dukedom of Hiltonshaw, Maximilian, the now Marquess of Wellington and Melfast grew up being fair mindedly and basically behaved accordingly at all times. Therefore, he lived a quite blunt life. Halos buong buhay niya ay masyado...