Nagngingitngit ang kalooban ngayon ni Dominique sa labis na inis na nadarama niya para kay Maximilian. May nalalaman pa itong 'mag-antay' raw siya ng kaunti pang panahon para saan? Para magkaroon pa ito ng oras na makipaglandian sa ex nito.
Napakalanding lalaki, ni hindi na nahiya! Sa harap ng marami ay doon pa nito napiling makipaghalikan kay Shiela, ang babaeng labis ang kahitaran sa katawan!
Ang mas higit na nakakabwisit pa ay halos hindi niya kinaya nang halikan siya nito ng binaya. Nagkaroon lamang siya ng lakas na makawala mula sa pagkakakabig nito sa kanya nang marinig niyang tinatawag ng babaeng hitad ang pangalan ni Maximilian. Agad niya itong nasampal dahil naalala niyang ang maruming labi nito ay nagkipaghalikan muna sa babaeng malandi bago sa kanya.
Nang dahil sa inis niya ay nagawa pa niya tuloy na mandamay ng iba. Hinatak pa niya ang sekretaryo ng tiyuhin magawa lang na balikan si Maximilian at tangkaing pagselosin ito. She knew it was a pathetic attempt but she didn't wanna just stand there either and do nothing. Now, she knew she them, her uncle's secretary and her cousin an apology for what she did. At lahat iyon ay dahil sa magaling na si Maximilian.
Talagang nanggagalaiti siya sa galit ngayon. Sa isang banda ay naiinis rin siya sa kanyang sarili. Bakit tila hindi niya makontrol ang kanyang emosyon ngayon? Parang nais niyang magwala gayung sa totoo lang ay hindi na ganoon ka-big deal ang nangyari. Tilawa nawala ang kanyang karaniwang mahabang pasensiya at kalkuladong mga kilos. Nabuga siya. She totally lost her cool with that.
Ang akala niya, iba si Maximilian sa mga lalaking nakilala niya noon. Ang akala niya masyado itong 'matuwid' kaya nga't hindi niti kinakagat ang mga pain niyang panlalandi dito. Ito kasi ang tipo ng tao na mas gagawin ang dapat kesa sa gusto, iyon ang isa sa mga obserbasyon niya sa binata.
She tried seducing him as well and every time she did that, she just fail. Or so she thought.. Nang minsan niyang haplusin ito at halikan, halos hindi na siya pakawalan pa ni Maximilian. His body reacted accordingly, too. Hindi siya maaaring magkamali, gusto rin siya ng lalaki. Dahil doon ay lalong lumalakas ang kanyang loob.
Ngunit ngayon ay parang nais na naman niyang magduda sa abilidad niya bilang isang babae, bagay na hindi niya naramdaman ni minsan noon. She was never an insecure girl. She was used to men drooling over her, obsessing with her. Kaya nga't nagawa niyang paikutin ang ilan sa mga ito makamit lang ang kanyang mga gusto.
But now, Maximilian somehow managed to make her feel insecure about her skin. Pakiramdam niya ngayon ay kulang pa ang ganda ng kanyang mukha at perpektong pigura ng pangangarmtawan para makuha ang lalaking totoong itinatangi.
Napabuga siya. Ito na yata ang sinasabi sa kanya ng kanyang ama noon, na huwag siyang masyadong maging kapante lalo na't kung ang bagay na nais niya ay hindi pa tuluyang napapasakanya.
She shook her head. Hindi ito ang panahon upang mapanghinaan siya ng loob. She still wanted Maximilian for herself despite the fact she saw him kissing that trashy Shiela in public. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan. She already made up her mind. Kung kinakailangan niyang babaan ang kanyang pride, kahit pa kinakailangan niyang siya pa ang manuyo sa binata ay gagawin niya.
Kung hindi niya ito madaan sa kanyang ganda, dadaanin niya ito sa mala-anghel na karakter na ipapakita niya rito. She could play that role easily. Hindi naman iyon bago sa kanya. Ipapakita niya sa lalaking siya lang ang nararapat rito at hindi na nito kailangan pang maghanap ng iba kailanman.
Lulan ng motor papunta sa animal clinic kung saan siya ngayon papasok ay napapangiti si Dominique sa planong nabubuo sa kanyang isip. Hindi pa man ay para na siyang kinikiliti sa tiyan sa kalokohang kanyang iniisip na gawin.
Papasok siya ngayon pagkat may ilang stray dogs siyang naka-schedule na operahan dahil iyon ang kasunduan nila ng kanyang ka-partner at co-owner sa clinic. Dahil nga nang mga nakaraang buwan ay lagi siyang naka-leave. Ngayon, sapilitan siyang i-si-n-ign-up ng kanyang ka-partener sa volunteer work na iyon. Wala siyang reklamo. Gustong-gusto niyang nanggagamot ng mga hayop.
BINABASA MO ANG
Flademian Monarchy 7: Maximilian The Just
AcciónBeing the heir to the Dukedom of Hiltonshaw, Maximilian, the now Marquess of Wellington and Melfast grew up being fair mindedly and basically behaved accordingly at all times. Therefore, he lived a quite blunt life. Halos buong buhay niya ay masyado...