Ariana's Pov.
"Kringg, kringg, kringg" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa letcheng alarm na ito. Bakit narinig konanaman toh?! GHADDD........ First day of school pala!
Agad akong bangon at deretso ligo na. Pagkatapos ko maligo bihis na agad, dahil mag aayos pako.
Tulog pa ang bruha kong kapatid na si Euna. Ang Mommy kong napakaganda. At nasa trabaho na pala si Daddy. Eto na diz iz it! Papunta akong kanto habang nakikinig sa mga kanta ng bebe ko <3 Kanta ni Ariana Grande <3 at oo. Jan nakuha ni Mommy ang pangalan ko...
Agad akong pumara sa tricycle na nakita ko. Habang bumabyahe, pumikit ako ng sandali. Inisip ang mga katagang "Wag ka kabahan, Kaya moyan." Di ko alam kung bakit. Pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga katagang iyan.
Pumara na ako sa tapat ng aking paaralan kung saan ako lumaki. Kung saan ako natutong piliin muna ang makabubuti bago mag padalos-dalos sa gagawin. Sa paaralan kung saan ko unang naramdaman ang taong kauna-unahang dumurog ng aking puso.
Habang naglalakad sa hallway, nakita kong inaantay na ako ng mga bruha kong mga kaibigan.
"Demi payat! Katy pandak!" Tawag ko sa kanila.
Agad naman silang napalingon sa direksyon kung nasaan ako.
"WAAAHHH Ariana Malapoks!"Tawag sakin ng dalawang bruha.
Agad kaming nag beso-beso.
"Uy beks, bad news! Ikaw lang nahiwalay ng section sating tatlo"sabi sakin ni Demi.
"WTF?! Bakit?!" Sagot ko.
"Hindi namin alam, nakita nalang namin ni Demi na section B ka, at section C kami."sabat ni Katy.
"Okay lang yan, magkatabi naman tayo ng room "dagdag ni Demi.
Nag bell na, kaya't umakyat na kami sa aming mga classrooms. Konti palang ang mga kaklase ko, usually sila-sila din. Agad namang nag-sipasukan ang mga lalaking new students. Doon sila nag-siupo sa kabilang side sa bandang dulo. Ako, walang katabi,dahil nahihiya pako. Hahaha. Ganto naman ako lagi kahit mejo matagal na, nahihiya padin pag first day. Lalo na't hindi ko kaklase ang mga kaibigan ko!
Nagsipasukan na ang iba kopang mga kaklase. May naligaw pa. HAHAHA. Pumasok na ang Adviser namin. Mukang bago lang ulit.
Agad naman kaming nag-sitayuan sa aming mga kinauupuan.
"Goodmorning Miss..."Sabay-sabay naming bati, ngunit hindi pa namin alam ang pangalan ng Adviser namin.
Minamasdan kolang siya habang sinusulat ang kaniyang apilido. Maganda siya, mahaba ang buhok at maganda din ang hubog ng katawan.
"Good morning Ms. Cruz" sabay-sabat namin bati.
"Good morning too, please take your seat"
Eto nanaman ang kinaiinisan kong GTKY. Habang isa-isa silang nagpapakilala, napansin kong may bakanteng isang upuan sa harapan ko. Dapat kasi sakto lang ang upuan sa mga students sa room. Napaisip akong baka late lang. Bigla namang sumagi sa isip ko na sana matalino, mabait, gwapo, cute, sweet, masipag,yun yung mga katangiang gusto ko sa isang lalaki.
Hanggang sa na pansin kong umupo na ang katabi ko. Ako ang pang-huli, so.. AKO NA!!!!!! Tayo agad ako at lakad papunta sa harap.
"Introduce yourself please" sabay ngiti sakin ni Ms. Cruz.
Muka naman siyang mabait. Sana. Ok eto naaaaaaa.
"My name is Ariana Velasco, 17 years old. Taga Piedra Blanca Barangay San Luis." Sabay upo na agad!
DI AKO MAKAPANIWALANG NAGAWA KO! HAHAHAHA.
Sumagi ulit yung bakanteng upuan at biglang nag bell na. Yeeeeey uwian na. Pag first-day kasi dito 2hours lang ang pasok. Siguro naubos ang 1 hour sa antayan ng students at teachers at 1 hour naman para sa GTKY.
Saktong tapos nako bago mag bell. Pinauna muna ang boys lumabas bago ang girls.
Hinanap ko agad ang mga bruha kong kaibigan at nakita ko silang nag-chichikahan sa locker nila.
"Beks, may dalawa kaming bagong kaklase na ang ga-gwapo! Shocksss.... Sakto para samin ni Katy!! Kyaahhh!"
Bungad sakin ni Demi. "Nako tigil tigilan nyo nayang kalandian. Umuwi na tayo at matutulog pako. Napuyat ako kagabi eh" sagot ko.
Kanya kanya na sila ng para ng masasakyan. Ako nag trycicle nalang pauwi.
Pag kauwi ko naabutan kong nag lalaro ang bruha kong kapatid ng Lutu-lutuan si Mommy naman nag va-vacuum.
Di naman kami mayaman.Di rin kami hampaslupa.Sakto lang.
Akyat na agad ako sa kwarto at nakita ang orasan na 12:25 am palang. Eh sa inaantok ako eh. Hahaha. Nagpalit muna ako ng komportableng damit. At sabay hilata...........
Pag-gising ko mukang madilim na. Mahilig kasi talaga ako sa tulog. Pag ka tingin ko sa phone ko.
"7 people added you as a friend request" Agad konaman tinignan. Mukang sila-sila ang new students. Pero may pumukaw ng aking atensyon. "Mac Reyes added you as a friend request " ang cute nya sa dp nya. Kaya ako naman tong si stalk.
Nakita ko sa mutual friends yung mga lalaking new students na kaklase ko na kaka accept kopa lang.
Mag ii-scroll down palang ako, biglang pumasok si Daddy sa pinto.
"Gising kana pala nak, baba na. Dinalan kita ng fries." aya ni Dad.
"Sige po. Thank you dad" sagot ko.
Ngumiti lang si dad at sinara ang pinto.
Nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba.
Pag ka baba ko nakita ko silang inaayos na ang mga plato. Agad naman ako kuha sa fries na dala ni dad. Kumakain kami habang nanonod ng balita. Pag ka tapos ko kumain. Nag good night agad ako sa kanila. 9:00 na pala. Soundtrip muna ako para makatulog.
Muling pumasok sa isip ko si Mac Reyes. Sinilip ko ulit yung timeline nya. Mejo famous. At ka- Birth month ko sya! Mejo maitim sya at kasing height kolang ata. May nakita akong graduation pic nya na may naka sabit na Silver medal. Mukang matalino sya. Cute sya dahil sa mejo singkit nyang mata at mala anghel na ngiti. YAKS! Ano tong pinagsasabi ko.
Tinignan ko ang oras at 10:05 na pala. Isang oras ko syang inistalk?! Ghash. Matutulog nanga ako may pasok pako bukas. Haysss regular schedule na ulit.
Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata........
×××××××××××××××××
#otb #oneoftheboys
Please support my story. Thank you and Labyu Guys <3-iblinker
BINABASA MO ANG
One of the Boys
FanfictionDate started:September 1, 2017 Basketball player sya at Volleyball player ako. Matatawag ko siyang isang lalaking namukod tangi sa kanilang mag-kakaibigan. Mataas ang scores sa exam, minsan mas mataas pa yung kanya kaysa sakin. Tahimik lang. Minsan...