Ariana's Pov.
*Cafeteria
Di ko padin makalimutan ang banggaan namin ni Mac. Wtf? Bakit kasi may ganon akong naramdaman. "Hoy Yana, kanina kapa tulala jan." Demi. "Hindi siguro sya maka move on sa nangyari kahapon." Katy. "Yieeeeee" sabay na asar ng dalawa. "Tumigil nga kayo jan." Sabi ko sa kanilang dalawa. "O-order muna ako ng gusto kong kainin iwan ko muna kayo jan.".pagdadabog ko.
Naka-pila ako ngayon dito sa cashier habang iniisip kung ano ang bibilhin kong pagkain. Inorder ko nalang ay ang Strawberry frappe. Pagkakuha ko ng frappe ko, may nabangga akong braso. Nag-sorry agad ako bago ko siya makita. Bigla konanaman naramdaman yung pakiramdam na hindi mawari kung saan nang-galing. Si Mac, oo sya nanaman. Saktong papa-alis nako ng hawakan nya ang braso ko. "Sorry din kahapon ah" sabi nya sakin. "Hindi, ok lang yun. Normal lang naman na mag-kabungguan tayo dun. Haha.Sige una nako". Iniwan ko agad siya dun. Iiwasan ko muna sya. Pero bakit?! Hayssss babalik nanga ako.
"Bat ang tagal monaman?" Tanong ni Katy. "Ayan lang naman binili mo" Demi. "Ah, wala lang. Tagal ng cashier eh. Haha" sagot ko sa kanila na dahilan ng kanilang pag-titinginan. 'Kringgggg'. Ayan buti nag bell na. Baka humaba patong mga tanong netong nga toh.
Iniwan kona ng nasa kalahati pa ang frappe ko.Nag wave na agad ako sa kanila at umakyat na sa room.
P. E time ngayon. Bigla nalang nagsalita si Ms. Bella.
"Section B, magkakaroon tayo ng voting para sa magiging basketball player natin na ilalaban sa ibang school. Tig-dadalawang player kada section. Kuha kayo ng 1/2 sheet of paper at ilagay nyo doon yung gusto nyong maging player.Pumili ng maayos ah! Ilalaban yan sa ibang school."..
Bigla naman umingay yung classroom. Si ganto, si ganyan nalang daw. Pero napansin ko na naghaharutan ang nga boys sa likod kasama si Mac. Oo lumipat sya ngayon ng upuan para makipagdal-dalan siguro. Ewan ko dyan. Mukang pinipilit nilang si Mac nalang.
Hinayaan konalang silang mag ingay lahat. Binoto ko si Joel, na dati kopang kaklase at naging representative nadin namin sa dati naming section. Siguro yung iba ko ding kaklase sya ang binoto. Pero sa tingin ko yung mga kabigan ni Mac ay binoto siya.
Matapos ang 10 minutes, pinapasa na ni Ms. Bella ang papers. Mukang binibilang na nya ang votes. 'After 5 minutes'.
"Okay may dalawa na tayong representative. Joel got 17 votes and Mac got 9 votes sila ang may pinaka-mataas na votes. The rest isa, dalawa or tatlo lang ang votes. So, congratulations sa inyong dalawa".
Naghiyawan nanaman. Ang ingay nila. Pero sino kaya yung dalawang nag vote nayun sa kanya?! Ano bang pake ko. Hahaha. Syempre kaklase din namin. Kahit naman new student siya, di naman masama na iboto sya diba?! Hahaha.
Mabilis na natapos ang natitira pang subjects. Hinanap ko agad ang dalawang bruha at nakita kong mukang inaantay nila ako sa gate.
"Beks, sino representative sa inyo?" Tanong ni Katy.
"Si Joel ulit at tsaka si Mac." Sagot ko.
"OMG WEH?! SI MAC? WAAAAH!" Sabay na nababaliw na sagot ng dalawa.
"Oh tapos?" ako. "Wala lang,huhuhu.Excited nakong panoorin silang mag try-out bukas sa Gymnasium" Demi.
"Sige na una nako guys. Bibili pako ng pagkain ng fish." Pagpapa-alam ko sa kanila.
Pumara ako ng taxi at sa mall pako bibili ng pagkain ng fish.
*Mall
Pagkatapos ko bumili. Naisipan konaman bumili ng fries na kakainin ko mamaya at bibilhan kona din ng ice cream yung kapatid ko.
Pagkabigay na pagkabigay sakin ng sukli, aalis na sana ako ng biglang may nabangga akong babaeng na mejo mas matangkad sakin. At natapon ang hawak nyang coke sa damit nya. GHAD Anong gagawin ko?!
"Sorry po, sorry po talaga di ko sinasadya" paghingi ko ng tawad sa kanya. Madaming tao na ang tumitingin samin. Nakakahiyaaaaa. Pinunasan ko ang damit nya ng tissue at tinabig nya ang kamay ko. Napayuko ako sa ginawa nya. "Sorry po" sabi ko ulit sa kanya.
"Sa susunod titignan mo ang dinadaan mo. Mas mahal pa tong damit ko kesa sa buhay mo" sabi nya sakin. ABA?! NAG SORRY NA NGA AKO TAPOS GAGANYANIN PAKO?! "Excuse me Ms. Maarteng nagmamaganda or sabihin na nating Maganda, kaso kung gano kaitim yang kulay ng leather bag mo, ganon din kaitim yang budhi mo. Nag sorry na nga yung tao tapos gaganyanin mopa ko?! Bakit kasi hindi ka naka pila ng maayos eh daanan yan diba? Nasa gilid monalang yung pila dimo pa ayusin yang pagpila mo". Sagot ko sa nagmamagandang toh. Ganto talaga ako. Once na laitin mo, triple babalik sayo.
Iniwan kona siyang speechless sa loob ng fastfood chain. Nakaka imbyerna naman kasi siya! Andami konang sorry tapos sasabihan pako ng mas mahalaga pa yung damit nya kesa sa buhay ko?! Ulol sya!.
Maka uwi nanga. At gusto konang magpahinga. Nasira na ang gabi ko.
*Bahay
Iniwan konalang sa lamesa yung mga pinamili ko at umakyat na agad. Magpapahinga nako para di ako bangag bukas. Manonood pa kami ng try out ng mga napiling lalaban.
××××××××××××
(Sino kaya yung girl na nakasagutan ni Ariana? )
-iblinker
BINABASA MO ANG
One of the Boys
FanfictionDate started:September 1, 2017 Basketball player sya at Volleyball player ako. Matatawag ko siyang isang lalaking namukod tangi sa kanilang mag-kakaibigan. Mataas ang scores sa exam, minsan mas mataas pa yung kanya kaysa sakin. Tahimik lang. Minsan...