Ariana's Pov.
*Gymnasium
Hinihintay na ang iba pang mga manonood sa paglalabaning mga nakuha sa bawat sections. Naka-upo nako habang hinihintay ang dalawang bruha. Mga 10 minutes pa bago sila dumating. Umupo agad sila sa tabi ko at mukang excited na ang mga toh.
Madaming mga manonood dito na may dalang pom-poms, banner at kung ano ano pa. At etong dalawang babae na pinag-gigitnaan ako ay sinisigaw ang pangalan ni Jao at Rence,hindi naman sila kasali eh. Mga bugok tong mga bruha nato. Sinaway ko kagad sila baka kasi pag dating ng mga gf ng nga yun eh marinig sila.
"Hoy kayo ngang dalawang bruhang malandi jan. Tigil-tigilan nyo yan, mamaya may makarinig sa inyo jan. Mapa-away pa kayo. Atsyaka kasali ba sa laro si Jao at Rence? Mga shunga" Pag-saway ko sa mga bruha
"Kj naman. Mahina lang naman yun" sagot ni Demi
"Aba? Mahina paba yun? Manood nalang kasi. Dahil nandyan ang mga gf nyang mga yan" ako.
Dumating na ang mga studyante ng sections A, B, C, D, E and F. Kanya kaya sila ng ingay. Pati ata lower grades nakipunta nadin dito! Andaming Grade 9, 10, 11 at 12 dito.
Maya-maya pa. Nagsalita na ang emcee dito ngayon.
"Ladies and Gentlemen, please enjoy the play that will happen today. Thank you all for coming. Let me announce the players. There will be a two teams that will fight today. So okay, let me announce the people who will play in the Team of BlackDraculas."
So diz iz it!
"Team Captain, Zylen Matthews of section A."
Sobrang ang ingay at hiyawan sa paligid. Pero nung marinig ko ang pangalan na Zylen Matthews. Natahimik ako, dahil siya ang kauna-unahang bumasag at dumurog sa puso ko. Lalaking akala ko tapat. Lalaking akala ko tutuparin ang mga katagang ihaharap sa dambana. Pero ano? Natakot sya! Natakot siyang mahalin ako dahil sa ayaw ng magulang nya sakin. Lalo na ang ate nya! Dahil lang dun! Tinakot sya na mamawala ang lahat ng dapat sa kanya kung mamahalin nya padin ako. Iniwan nalang ako sa ere ng ganon ganon nalang. Pero bakit kaylangang ko magdrama dito? Di naman kasi iniiyakan yung ganyang mga tao. Kasi hindi naman iniiyakan ang basura. Kasi ang ginagawa jan, tinatapon!
Kaya anong pakielam ko sa kanya? Diba dapat akong mag-enjoy ngayon kasi special event toh para sa lahat?
"Joel Tiamzon, of section B"
Palakpak ang lahat ng nasa section B, at ang iba ay sumisigaw at itinaas ang banner.
"Melvin Cardona, of section C"
"Nathaniel Alvino, of section D"
"And last but not the least, Kevin Rosales of section D"
Muling nagingay ang lahat. Sigawan, taasan ng banner at hiyawan ng BlackDraculas at nanaig sa paligid.
"Okay, let me announce the members of PinkChampagnes."
Cute naman ng name. HAHAHA. (Kanta kasi ni Ariana yun, kaso may s yung kanila. <3)
"Team Captain, Mac Reyes of section B"
Teka? Bakit sobrang ingay, andaming nag chi-cheer sa kanya. Eh new student lang naman sya ah? Sabagay, di naman masama yun. Andaming nagtatatalon at nagtitiliang mga babaeng mukang may gusto kay Mac. Di naman gwapo si Mac? Pero? Bat Ganon? Hahaha.
"Bernard Garcia, of section C"
Wow, mga new students ang nanalo sa section C ,kaya sila yung representative.
"Hayward Gordon, of section D"
"Brent Orton of, section E"
"And last but not the least, Archie Monario of section F"
BINABASA MO ANG
One of the Boys
FanfictionDate started:September 1, 2017 Basketball player sya at Volleyball player ako. Matatawag ko siyang isang lalaking namukod tangi sa kanilang mag-kakaibigan. Mataas ang scores sa exam, minsan mas mataas pa yung kanya kaysa sakin. Tahimik lang. Minsan...